News
Kilalanin si Elias J. TV, ang reggae sensation ng North Cotabato

Kitang-kita ang lakas online ng reggae sensation at social media personality na si Elias J. TV, na may mahigit 50 million views na ang kanyang clips mula sa hit fantaserye na 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' simula nang mapanood siya noong March 30.
Sa Sang'gre, napapanood si Elias J. TV bilang Elias, mula sa mundo ng mga tao na ginawang alipin ng isang Encantado. Binili ni Daron ang kanyang kalayaan.
Kinabahan man sa kanyang unang acting stint sa telebisyon, pero naging palaban sa aktingan ang pride ng North Cotabato.
Mas kilalanin pa si Elias J. TV sa gallery na ito:









