LOOK: Alwyn Uytingco surprises Jennica Garcia with a trip to Pinto Art Museum on their 12th anniversary

Isang simple pero sweet na art museum date ang inihandang sorpresa ni Alwyn Uytingco para sa selebrasyon ng 12th anniversary nila ni Jennica Garcia.
Ayon kay Alwyn, pinaghandaan niyang mabuti ang sorpresa kay Jennica dahil napakahalaga para sa kanya ang araw na iyon.
"Alam naman natin lahat, isang milagro ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga matapos sa 11th year. [Opo, dahil po sa 'kin. Ako po ang may sala. Sorry na po.] Kaya napakahalaga sa akin/sa amin na maipagdiwang ang anniversary namin kasi isa siyang malaking blessing talaga," sabi ni Alwyn.
Tingnan ang sweet anniversary surprise ni Alwyn Uytingco para kay Jennica Garcia sa Pinto Art Museum sa gallery na ito:










