Herlene Budol's stunning photos as a beauty queen

Patuloy na namamayagpag sa mundo ng beauty pageant si Herlene Nicole Budol.
Pagkatapos makoronahan si Herlene bilang Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up, siya naman ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022 pageant sa darating na November 19 na gaganapin sa Kampala, Uganda. Ipinakilala si Herlene bilang official candidate last August 29.
Sa isang Instagram post ni Herlene noong November 3, humingi siya ng suporta sa kanyang fans at followers para sa kanyang kauna-unahang international pageant competition.
Aniya, “Cheer nyo ako mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan. Yung pagmamahal, suporta at pagdasal ay malaking bagay sa aking panibagong journey.”
Tignan ang ilan sa mga naggagandahang litrato ni Herlene bilang isang beauty queen sa gallery na ito:















