'Love At First Read' cast, nagpasaya ng kanilang fans sa Philippine Book Festival

Pinilahan ng kanilang fans ang lead cast ng bagong kilig series ng GMA na Love At First Read sa ginanap na Philippine Book Festival nitong Sabado, June 3.
Ang Sparkle sweethearts at lead stars ng nasabing series na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang nanguna sa pagpapasaya ng kanilang fans at book enthusiasts sa nasabing event.
Kasama ng MavLine ang kapwa Sparkle stars na sina Therese Malvar, Mariel Pamintuan, Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at Gueco twins na sina Gabby at Kiel Gueco.
Silipin ang ilan sa mga naging kaganapan sa nasabing event sa gallery na ito:







