Maxene Magalona, sa kanyang failed marriage: 'Choose what pain you are willing to go through'

GMA Logo Maxene Magalona

Photo Inside Page


Photos

Maxene Magalona



Sa halip na resistance, acceptance at prayers ang naging sagot ni Maxene Magalona para malampasan ang pagtatapos ng kaniyang kasal sa dating asawa na si Rob Mananquil.

Sa panayam niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, tinanong si Maxene kung paano niya nalamapasan ang pagtatapos ng kaniyang kasal kay Rob. Ito rin nagtulak sa kaniyang magkuwento tungkol sa sakit na naramdaman niya nang mapagtanto niyang guguho na ang kanilang relasyon.

“Oh, by praying. Praying for my ex-husband, praying for me, praying for the both of us so that we can let go of what was not meant for us,” sabi niya kay Nelson.

Kuwento ni Maxene, sinabi sa kaniya ng isa sa spiritual teachers niya sa Bali na isa sa mga dahilan kung bakit merong human suffering ay dahil sa attachments. Aniya, masyadong attached ang mga tao sa kanilang expectations at ideas.

Dagdag pa niya, kung tatanungin siya ay gugustuhin rin niyang nabubuhay pa ang kaniyang ama na si Francis. Ngunti sinabi rin niya na ang attachement na yon din ang magiging dahilan kung bakit siya magdudusa.

“So, when my marriage started to crumble, when it started to talagang break apart, I had to slowly, slowly accept it,” sabi niya.

Inirekominda rin niya ang libro ni Eckhart Tolle na Power of Now, kung saan nakuha niya ang ideya na pagpili ng nangyayari sa kasalukuyan at pagtanggap sa kasalukuyang nangyayari.

“Instead of resisting that, you have to turn to God and accept, this is what's happening right now, God, help me through it. Kungbaga, tanggapin na lang natin wag na tayong mag complain, and then let's accept that this is what God needs me to go through, so that I can be the person that he designed me to be,” sabi niya.

Sinabi rin niyang hindi binibigay ang mga hamon na ito nang walang dahilan. Sa halip, aniya, senyales ito sa mga tao “to let go of what is no longer serving you.”

Dagdag pa ng aktres, hindi naja-justify ng isang tao ang hindi nila pagbitaw sa dahilan ng sakit na nararamdaman nila.

“The true peace comes in accepting what's happening in the present moment and forgiving what needs to be forgiven so that you can move on,” sabi niya.

Inamin din ni Maxene na laging magiging painful ang break up, ngunit magiging masakit rin ang manatili sa isang toxic na relationship. Kaugnay nito, sinabi niyang pwedeng mamili ang mga tao sa kung anong klaseng sakit ang gusto nilang pagdaanan.

“It's painful to go through the breakup and it's also painful to stay where you're not meant to stay. So which one do you choose? I chose the first one. I chose the pain of going through the breakup,” sabi niya.

Paliwanag ni Maxene, “Because alam kong yun lang naman yung dadaanan ko eh. Pero choosing to stay, mas masakit yun kasi sinasayang mo yung oras mo, sinasayang mo yung energy mo, sinasayang mo yung purpose na binigay sa iyo ni God sa mundong ito. So choose what pain are you willing to go through.”

Pakinggan ang part two ng panayam ni Maxene dito:

Check out these time when Maxene Magalona advocated self-love:


Self-love
Queen
#ManifestWithMaxene
Self-care
Life
Reminder
In a relationship
Bible verse
Spirit

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays