Meet 'Forever Young' star, Euwenn Mikaell

Kasalukuyang ipinapamalas ni Euwenn Mikaell sa kanyang kauna-unahang TV lead role sa Forever Young kung bakit isa siya sa pinakamahusay na batang aktor ngayon at kinilala bilang "Best Child Actor" sa prestihiyosong FAMAS Awards.
Sa Forever Young, isang challenging role ang ginagampanan ni Euwenn bilang Rambo Agapito, isang 25-year-old na may rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito. Sa kabila ng kaibahan, lalaban siya bilang mayor ng bayan ng Corazon.
Mas kilalanin ang award-winning child actor na si Euwenn Mikaell sa gallery na ito:














