Michele Gumabao on Marco Gumabao-Cristine Reyes relationship status: 'I don't actually know where they are now'

Wala rin umanong nalalaman si Michele Gumabao tungkol sa real score ng relasyon ng kaniyang kapatid na si Marco Gumabao at ni Cristine Reyes.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 4, ibinahagi ni Michele ang sibling dynamics nila ni Marco. Aniya, very independent ito at sa ngayon ay hindi ito humihingi ng advice patungkol sa kaniyang relationship status.
“I don't actually know where they are now in their relationship. I just know that nakausap ko pa rin siya last week, and I get to see her din, especially when her dad passed away. So, she has a good relationship with our family. So at least, whatever is happening between them, hindi naman na-affect 'yung mga tao sa paligid like us,” sabi ni Michele patungkol sa kay Cristine.
Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda si Michele kung talaga bang hiwalay na sina Marco at Cristine, sinabi niyang hindi pa niya nakakausap ang kapatid at hindi pa niya ito natatanong ukol dito.
Aniya, nakita lang din niya ang break up rumors ng dalawa sa social media.
“I don't know if they get to talk again now, so siguro something to ask him when I see him,” sabi ni Michele.
BALIKAN ANG CELEBRITY BREAKUPS NA IKINAGULAT NG MARAMI SA GALLERY NA ITO:
Natanong din si Michele kung hanggang saan siya mangingialam pagdating sa relationship at sa buhay ng kaniyang kapatid bilang ate.
Sagot niya, “Hanggang sa kailangan niya. Magsasabi naman siya. I always ask and when he doesn't reciprocate, 'pag sinabi niyang 'Wag muna,' or 'Ayaw kong pag-usapan,' and then we don't talk about it."
Kuwento pa niya, noong mga bata pa sila ay siya ang nagpapahirap sa mga dating girlfriend ni Marco. Ngunit pag-amin ni Michele, hindi niya nagawa ito kay Cristine.
Nang tanungin kung bakit, tugon niya, “Ang ganda niya kasi, e.”
Patuloy niya, "Nakita ko palang. Hindi naman, but I'm just not very warm at first kasi titingnan ko muna, 'Tatagal ba 'to?' Siyempre I don't want to get close to that person kung ngayon mo lang siya makikilala."
Kamakailan ay kumalat ang bali-balitang hiwalay na sina Marco at Cristine, lalo na nang mapansin ng netizens na nawala ang litrato nila sa kani-kanilang social media pages. Wala namang pagtanggi o kompirmasyon ang dalawa ukol dito.
Samantala, tingnan ang ilang sweet photos nina Marco at Cristine sa gallery na ito:














