GMA Logo Cristine Reyes
PHOTO COURTESY: cristinereyes (IG)
What's Hot

Cristine Reyes describes relationship with Marco Gumabao as 'unexpected'

By Dianne Mariano
Published March 24, 2024 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Cristine Reyes


Cristine Reyes on her relationship with Marco Gumabao: 'He brought me back to church and I'm thankful.'

Tampok ang actress at celebrity mom na si Cristine Reyes sa recent vlog ng broadcaster na si Karen Davila.

Napag-usapan ng dalawa ang buhay noon ng aktres, karera, at ang buhay pag-ibig nito.

Nang tanungin ni Karen si Cristine kung paano nito mailalarawan ang relasyon niya sa aktor na si Marco Gumabao, ito ay aniya'y “unexpected.”

“Unang-una 'yun nga sinabi ko and alam naman ito ng mundo na mas gusto ko sana non-showbiz na, but you know, it's unexpected,” kwento niya.

Ayon pa sa 35-year-old star, masaya siya sa kanilang relasyon ni Marco.

“Having him and his family and knowing everybody like his cousins also, they're very nice people,” saad niya.

Kwento pa ni Cristine, ibinalik siya ng kanyang nobyo sa simbahan at inaming nagkaroon siya noon ng tampo sa Panginoon.

Aniya, “He brought me back to church kasi nagtampo ako kay Lord e kasi 'yung past ko, church people rin sila. So parang feeling ko nagtampo ako do'n kay Lord na... ginagawa ko naman na nag-obey naman ako pero bakit ganito 'yung nangyari. So when Marco came, he brought me back to church and I'm thankful.”

Na-touch naman si Karen sa kuwento ni Cristine at tinanong ang aktres tungkol sa pagpapakasal sa aktor.

“Is marriage around the corner?” tanong ng TV personality.

Sagot ni Cristine, “Tsaka na lang natin pag-usapan. Masyado pa kasing maaga.” Inilahad din ng aktres na isang taon na ang kanilang relasyon ni Marco.

Tinanong din ni Karen si Cristine kung bakit pinili nila ni Marco na maging pribado ang kanilang relasyon.

“For me, it's already out here so what's the point 'di ba. Or siguro let's just say na my personality talaga, mas gusto ko quiet lang,” sagot niya.

SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA MARCO GUMABAO AT CRISTINE REYES SA GALLERY NA ITO.