Niño Muhlach, hindi ginustong umabot sa senado ang kaso ni Sandro

GMA Logo Nino Muhlach

Photo Inside Page


Photos

Nino Muhlach



Aminado ang aktor na si Niño Muhlach na masakit para sa kaniya bilang ama ang nangyari sa anak at aktor na si Sandro muhlach. Ngunit pag-amin ng dating Child Wonder of the Philippines, hindi niya ginusto o plinano na umabot sa senado ang naturang kaso.

Matatandaan na noong Agosto ay naghain ng kasong sexual harassment si Sandro laban sa independent contractors ng GMA Network. Dahil dito ay ipinatawag ni Senator Robin Padilla sa senado ang batang aktor at ang mga akusado.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 3, binalikan ni Niño kung gaano kasakit ang naramdaman niya para sa anak nang marinig niya ang kuwento mula kay Sandro.

Pag-alala ng aktor, “Tito Boy, kasi hindi ko alam - alam mo ba 'yung feeling na may anak? Ta's nakikita mo na nagkukwento sa 'yo kung ano'ng nangyari sa kaniya na hindi niya mahawakan 'yung telepono niya, nanginginig, lagi niyang nabibitawan dahil nga nanginginig siya habang nagkukwento siya ta's umiiyak siya, kung ano'ng nangyari sa kaniya. Napakasakit para sa tatay na ganu'n.”

Pero pag-amin ni Niño, “I didn't want it to turn out like that, hindi ko ginusto na ganu'n.”

Kuwento ni Niño, isa sa mga unang nilapitan niya ay ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis co-star niya na si Senator Bong Revilla Jr. Ngunit sinabi rin ng aktor na hindi niya ginusto na lumaki at kumalat pa ang issue dahil sa kagustuhan niyang protektahan ang anak.

Dagdag pa ni Niño, “Ayoko ring idamay din 'yung GMA kasi alam ko naman na tao lang naman ng GMA 'yung [Boy: Nagtatrabaho dun 'yung dalawang akusado] yes, opo. So kaya hangga't maaari lang, gusto ko sana, tahimik lang. E kaso, pumutok.”

Isa pang ikinasama ng loob ni Niño ay ang mga negatibong komento at pamba-bash na natatanggap ni Sandro Muhlach mula sa netizens. Aniya, ilan sa mga sinasabi nila ay hindi umano totoo ang sinasabi ng kaniyang anak, at mahina ang kasong isinampa nila.

“That's why ako, tumahimik na lang ako, hindi na ako nagsalita after that. Inantay ko na lang lumabas 'yung desisyon ng DOJ dahil tama naman, nu'ng lumabas 'yung desisyon ng DOJ (Department of Justice), talagang matibay nga 'yung kaso and sila na mismo ang nagsabi,” sabi ni Niño.

Get to know more about Sandro in this gallery.


Sandro Muhlach
Muhlach clan
Full name
Theatre Actor
Basketball
Family bonding
Singer
Model
Car
Future
Handsome
Son
Young artist
On his own
Proud
Expecially For You
Beach
GMA Gala 2024

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
D4vd arrested on suspicion of killing 14-year-old girl found decaying in Tesla
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras