'Pulang Araw' stars visit historical cities to celebrate the 126th Philippine Independence Day

GMA Logo Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez

Photo Inside Page


Photos

Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez



Bumisita sa iba't ibang lugar sa Pilipinas ang Pulang Araw stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards upang makiisa sa paggunita ng 126th anniversary ng Philippine Independence Day ngayong araw, June 12.

Bukod sa apat, nakiisa rin dito si Kapuso Drama King Dennis Trillo at ang aktres na si Ashley Ortega.

Sa Davao City nagtungo si Alden, habang sa Mandaue City sa Cebu naman bumisita sina Barbie at David. Nagbigay-pugay naman si Sanya sa Batangas Provincial Capitol sa Batangas City, at sa Tarlac City naman sina Dennis at Ashley.

Ang pakikiisa ng Pulang Araw stars sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay isang magandang inisyatibo na naaayon sa tema ng kanilang programa na tungkol sa pakikipaglaban ng mga Pilipino noon sa mga mananakop upang matamasa ng Pilipinas ang kasarinlan na mayroon ngayon.

Noong Lunes, June 10, inanunsiyo na rin na mapapanod na ang Pulang Araw sa streaming platform na Netflix sa July 26, tatlong araw bago ito mapanood sa GMA simula sa July 29.

Silipin ang naging pakikiisa ng Pulang Araw stars sa taunang selebrasyon ng makasaysayang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa gallery na ito:


Barbie Forteza at David Licauco
BarDa
Adelina at Hiroshi 
Sanya Lopez
Teresita Borromeo
Batangas Province Officials 
Alden Richards
Eduardo Dela Cruz
Davao City 
Dennis Trillo
Ashley Ortega
Tarlac City
John Rex

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo