Rabiya Mateo trending topic dahil sa 'Royal Blood' performance

GMA Logo Rabiya Mateo in Royal Blood

Photo Inside Page


Photos

Rabiya Mateo in Royal Blood



Trending ang naging performance ni Rabiya Mateo sa hit murder mystery series na Royal Blood noong Huwebes (September 14).

Umani ng papuri mula sa Royal Blood viewers ang "promising" at "magaling" na pagganap ni Rabiya sa karakter ni Tasha. Dalang-dala rin ang manonood sa emosyon na ipinakita niya sa episode 64 ng Royal Blood kung saan inamin na nina Napoy (Dingdong Dantes) at Diana (Megan Young) ang dati nilang relasyon.

Sa kabila ng paliwanag ni Napoy na wala nang namamagitan sa kanila ni Diana, hiniling ni Tasha sa huli na siya na muna ang pakinggan nito dahil noon pa man ay siya na ang palagi nitong inuuna. Ipinarating ni Tasha kung paano niya ibinigay at ginawa ang lahat para lang mahalin ni Napoy.

Kahit na sinabi sa kanya ni Napoy na mahal siya nito, pero para kay Tasha ito ay dahil wala lamang itong mapagpipilian. Tinanggap na rin ni Tasha na pangatlo lamang siya sa puso ni Napoy dahil kay Diana at tuluyan nang nakipaghiwalay sa huli.

Humataw sa ratings and episode na ito ng Royal Blood na pumalo sa 11.0 percent base sa sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Basahin ang ilang papuring natanggap ni Rabiya sa Royal Blood viewers sa gallery na ito:


Versatile
Magaling
Bagay
Promising
Tasha
Top-notch
Effective
Rabiya Mateo
Acting
Makatotohanan

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo