RECAP: Nalaman na ni Carrie ang katotohanan tungkol sa kanyang ama sa 'Underage'

GMA Logo Hailey Mendes, Sunshine Cruz, Jome Silayan

Photo Inside Page


Photos

Hailey Mendes, Sunshine Cruz, Jome Silayan



Isang rebelasyon ang napanood sa 45th episode ng GMA Afternoon Prime series na Underage noong nakaraang linggo.

Sa episode na ipinalabas noong March 17, nalaman na ni Carrie (Hailey Mendes) na si Rico (Jome Silayan) ang kanyang tunay na ama matapos itong kumpirmahin ng ina ng dalaga na si Lena (Sunshine Cruz).

Matatandaan na dating magkasintahan sina Lena at Rico at si Carrie ang naging bunga ng kanilang pagsasama.

Bago pa ang rebelasyong ito, nakumpirma ni Rico na si Carrie ay anak niya nang ipakita ni Becca (Yayo Aguila) sa kanya ang medical record ni Lena. Makikita sa record ni Lena na tatlong beses siyang nabuntis, nanganak, at hindi nakaranas ng miscarriage.

Nalaman ni Rico na nanganak si Lena sa pangalawang anak nito noong July 2006 at naalalang dalawang buwan nang buntis ang huli noong December 2005 noong sila'y magkasama pa.

Doon nakumpirma ni Rico na si Carrie ay tunay niyang anak.

Nakapagtala naman ang 45th episode ng Underage ng rating na 7.1 percent, ayon sa Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings.

Balikan ang mga eksena sa pagitan nina Rico, Lena, at Carrie sa 45th episode ng 'Underage' sa gallery na ito.


Rico and CarrieĀ 
Proof
Medical record
Family
Carrie
Question
EmotionalĀ 
Mistake
Father
The truth
RatingsĀ 

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays