'Samahan ng mga Makasalanan' cinema list, inilabas na

Inilabas na ang listahan ng sinehan kung saan mapapanood ang pelikulang Samahan ng mga Makasalanan.
Ang Samahan ng mga Makasalanan ay ang pelikula kung saan bibida ang Pambansang Ginoo na si David Licauco bilang Deacon Sam. Makakasama rin niya sa pelikula sina Sanya Lopez at Joel Torre.
Kabilang din sa mga aabangang cast ng Samahan ng mga Makasalanan sina Soliman Cruz, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, David Shouder, Chanty Videla, Liana Mae, Shernan Gaite, Tito Abdul, Tito Marsy, Christian Singson, Yian Gabriel, Batmanunulat, at Euwenn Mikaell.
RELATED GALLERY: Behind the scenes of 'Samahan Ng Mga Makasalanan'
Ang Samahan ng mga Makasalanan ay handog ng GMA Pictures at ipapalabas na sa April 19. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Direk Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.
Narito ang mga sinehan kung saan mapapanood ang Samahan ng mga Makasalanan simula April 19:








