GMA Logo David Licauco
What's Hot

David Licauco, ano ang natutunan sa 'Samahan ng mga Makasalanan'

By Maine Aquino
Published April 11, 2025 6:26 PM PHT
Updated April 11, 2025 8:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Sa premiere night ng 'Samahan ng mga Makasalanan' inamin ni David Licauco na may aral siyang natutunan sa ginawang pelikula.

Nagkuwento si David Licauco tungkol sa kaniyang pelikula at mga co-actors sa Samahan ng mga Makasalanan.

Kagabi, April 10, ginanap ang premiere night ng satirical comedy film na Samahan ng mga Makasalanan. Kasama ni David ang ibang cast members, Kapuso executives, celebrity guests, entertainment press, kaniyang pamilya, at fans. Kasama ring sumuporta sa Samahan ng mga Makasalanan premiere night si Barbie Forteza.


Sa panayam sa kanya pagkatapos mapanood ang pelikula, kinuwento ni David ang aral na natutunan niya sa Samahan ng mga Makasalanan.

Ani David, "Puwede kang magbago and naisip ko na it only takes one person or one instance in life and that might change you."

RELATED GALLERY: Behind the scenes of 'Samahan Ng Mga Makasalanan'


Inilahad din ng Pambansang Ginoo at Reverend Sam ng Samahan ng mga Makasalanan ang pagiging fanboy niya kay Joel Torre. Si Joel Torre ay gumanap na Father Danny sa pelikula.

Saad ni David, "Sobrang na-enjoy ko 'yung scenes ko with Sir Joel Torre."

Dugtong pa ni David, "He's just so good. Talagang nagre-react lang ako sa mga binabato niya sa akin na emotions."

Bukod kay Joel Torre, na-appreciate rin ni David ang iba pa niyang co-stars sa Samahan ng mga Makasalanan.

"Also with Sanya, and the rest of the cast. Sobrang na-appreciate ko efforts nila."

Isang post na ibinahagi ni GMA Pictures (@gmapictures)

Isang post na ibinahagi ni GMA Pictures (@gmapictures)


Mapapanood ang Samahan ng mga Makasalanan sa April 19 in cinemas nationwide. Ang Samahan ng mga Makasalanan ay nasa ilalim ng direksyon ni Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.

Abangan rin ang cinema visits ni David at ng cast ng Samahan ng mga Makasalanan ngayong April 12.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MAKASALANANG PREMIERE NIGHT NG 'SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN'