Shaira Diaz, pumasok muna sa trabaho bago ang graduation

GMA Logo shaira diaz
Source: shairadiaz_/IG

Photo Inside Page


Photos

shaira diaz



Magtatapos na ang Kapuso Sweetheart at iBilib host na si Shaira Diaz sa kolehiyo ngayong araw, August 22.

Ngunit bago pa siya magmartsa sa kaniyang graduation ay pumasok muna si Shaira sa trabaho sa Unang Hirit.

Caption ni Shiara sa pst niya sa Instagram, “It's D-DAY! Duty muna bago magmarcha! ”

Magtatapos si Shaira sa kursong Marketing Management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

Samantala, ilang kaibigan sa loob at labas ng showbiz ang nagpahatid na ng kanilang maagang congratulatory messages para sa aktres.

Comment ni Arra San Agustin, “You go girl!!!!”

Tatlong clapping emoji naman binigay ng Lilet Matias: Attorney-at-Law star na si Jo Berry para sa aktres.

Matatandaang naging emosyonal si Shaira sa segment ng Unang Hirit noong nakaraang taon na “Grad Pic Awrahan 101” matapos siyang kunan ng graduation pictures para sa segment. May ngayong 2024, from “reel to real” ang graduation pictures ng Kapuso Sweetheart nang kunan na siya ng totoong graduation photos.

“A year ago.. From reel to real! I can't help but feel emotional during our graduation pictorial today. 'Yung mga kaibigan at pamilya ko, alam nila kung gaano kahalaga sakin tong moment na to. Thank you po, Lord! sa wakas..” caption ni Shaira sa post.

Ilang taon na rin pinagsasabay ni Shaira ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang isang aktres at aminado siyang hindi ito naging madali. Ngunit kahit mahirap ay napatunayan pa rin niyang posible ito matapos siyang gawaran ng kaniyang unibersidad bilang isa sa mga outstanding Business Administration student.

Sa interview niya sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, sinabi ng Unang Hirit host na napili niya ang Marketing Management na course dahil gusto niyang magtayo ng business.

“Iniisip ko na magbi-business ako eventually, kapag meron nang sapat na capital or 'pag naisip na akong business na gusto kong gawin,” sabi niya.

Ngunit ayon din kay Shaira, kahit na Marketing Management ang unang course na kinuha niya ay hindi iyon ang unang napili niya, kundi medicine.

“Ang gusto ko po sana talaga, mag-doctor. Kaya lang po, during that time, hindi talaga kaya ng financial. So sabi ko, sige dito na lang kasi hindi kaya ng parents ko,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres ay alam naman niyang mahal ang kurso ng medicine kaya mas pinili na lang niyang kumuha ng ibang course.

Sa ngayon, kailangan na lang ni Shaira na kumpletuhin ang kaniyang 600 hours na on-the-job training o OJT para makapagtapos na siya. Kaya ngayong naka-sembreak siya ay kinukuha na niya ang lahat ng trabaho para makapag-focus sa OJT sa paparating na second semester.

Ayon pa sa actress-TV host, pinili niyang mag-OJT sa isang sports club malapit lang sa kanila “para kung hanggang gabihin man, kunyari, mag-overtime man ako para mapunan 'yung mga hinahabol kong oras.”

Dagdag pa niya ay kahit usually ay pinipili ng school kung saan nila gagawin ang OJT ay pinayagan siyang mamili. Nang tanungin siya kung baka magulat ang mga katrabaho niya 'pag pumasok na siya, ang sagot ni Shaira, “Hindi naman po siguro.

“Kasi, naglalaro din po ako diyaan sa sports club, e, nagva-volleyball po kasi ako, 'yun 'yung sports ko, so nakikita naman na nila ako,” sabi niya.

Patuloy pa niya, “Nagtanong ako, sabi ko, 'Uy, tumatanggap ba kayo ng OJT?' Sabi niya, oo daw, sabi nila. So, sabi ko, 'Sige, sige, mag-aapply ako.' Tapos ayun, nakatimbre na po."

Pakinggan ang buong interview ni Shaira dito:

Samantala, narito ang ilang pang celebrities na nakapagtapos habang nagtratrabaho sa showbiz:


Bettinna Carlos
Yasmien Kurdi
Dingdong Dantes
Sunshine Cruz
LJ Reyes
Valerie Concepcion
Diana Zubiri
Neri Naig
Richard Gomez
Manny Pacquiao
Joyce Ching
Nicole Donesa
Gerphil Flores
Julie Anne San Jose
Kevin Santos
Jake Ejercito
Renz Valerio
Winwyn Marquez
Denise Barbacena
Rain Matienzo
Baron Geisler
Ysabel Ortega
Ruffa Gutierrez
HerleneBudol
Neri Naig
Beatrice Gomez
Mariane Osabel Photo by

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU