The star-studded mediacon of 'Stars on the Floor'

Kuminang ang stage sa Stars on the Floor media conference nang pormal na ipakilala ang mga bida ng dance floor at dance authority panel para sa pinakabagong dance competition ng GMA. Ipapalabas ito simula June 28.
Kasama sa mga nagningning sa mediacon ang celebrity at digital dance stars na sina Glaiza De Castro, Rodjun Cruz, Faith Da Silva, Thea Astley, VXON Patrick, Zeus Collins, Dasuri Choi, Joshua Decena, Kakai Almeda, at JM Yrreverre.
Hindi naman nagpahuli ang dance authority panel na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Star Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay na nagbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga dance stars.
Huling ipinakilala ang magsisilbing host ng dance competition na si Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards na excited na sa mga susunod na kaganapan pagdating sa hatawan at sayawan.
Narito ang ilang larawan na kuha sa mediacon ng Stars on the Floor:


















