Vic Sotto at Darryl Yap, dumalo sa hearing sa Muntinlupa RTC

Tuloy ngayong araw, January 17, ang hearing ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 sa petisyon na writ of habeas data na inihain ng actor na si Vic Sotto laban sa pelikula ni Darryl Yap.
Kaninang umaga, dumating na sa korte ang TV host kasama ang kanyang asawang si Pauleen Luna. Nang tinanong ng press ang kanyang pahayag tungkol sa reklamo, simpleng sinabi lang ni Vic, "Sorry ha, hindi puwede magsalita."
Maya-maya pa ay dumating din si Direk Darryl sa hearing. Ang kanyang sinabi lang sa press ay, "I'm not really a morning person and I'm not allowed to say anything.”
Noong Miyerkules, January 15, pa nakatakdang ganapin ang pagdinig tungkol sa reklamo ni Vic sa pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma ni Direk Darryl. Ngunit nakansela at inurong na lang ito ngayong Biyernes, January 17.
Ang reklamo ng TV host ay tungkol sa umano'y paglabag ng direktor sa Data Privacy Act sa kanyang inilabas na film teaser. Nagsumite ng Writ of Habeas Data at 19 cyberlibel complaints si Vic sa Muntinlupa RTC ngayong January.
Nag-apila naman ang film director na ikonsolida ang mga isinampang reklamo sa kaniya ngunit tinanggihan ito ng korte.
"The Motion for Immediate Consolidation is devoid of merit. The two legal actions are inherently distinct in nature, purpose, jurisdiction, and procedure,” saad ng order.
Ayon sa RTC, maaari lang makonsolida ang dalawang isinampa laban kay Darryl kung ang mga kaso ay may parehong legal o factual issue, at kung pending sila sa iisang forum.
“Here, the petition and the criminal complaint are pending before distinct forums and are governed by separate procedural frameworks. Thus, consolidation is legally impermissible,” sabi nila. “Even if the two cases involve overlapping circumstances, the legal issues and relief sought remain distinct. Each case must proceed independently within its respective forum.”
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILAN SA MGA HIGH-PROFILE LIBEL CASES SA GALLERY NA ITO:































