Vice Ganda teases new project in GMA

Patuloy ang blessings na dumarating sa buhay at karera ng award-winning actor-host na si Vice Ganda.
Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ng Unkabogable Star na mayroong mga nakahandang projects para sa kanya, kabilang na sa Kapuso Network.
“Yes, next month mayroon silang nakalinyang bagong project sa akin sa GMA, at marami pang mga susunod,” aniya.
Dagdag pa niya, "Lahat naman ng projects ko, parang kung saan man platform ako makita, hindi puwedeng hindi ko kasama ang ABS doon sa mga project."
Kasalukuyang napapanood si Vice Ganda sa noontime variety show na It's Showtime, na umeere sa GMA tuwing Lunes hanggang Sabado.
Noong July 1, 2023, matatandaan na unang napanood ang naturang programa sa second free-to-air channel ng GMA na GTV.
RELATED: Contract signing event of 'It's Showtime' and GTV
Umere naman ang It's Showtime sa GMA-7 noong April 6, 2024. Bukod dito, napanood na rin ang kulitan ng It's Showtime hosts nang sumalang sila sa game show na Family Feud.
RELATED: Vice Ganda beyond grateful as 'It's Showtime' signs contract with GMA
Nagkaroon na rin ng guest appearance si Vice Ganda sa longest-running gag show na Bubble Gang noong October 2025 bilang bahagi ng 30th anniversary special ng programa.
Related gallery: The times Vice Ganda wowed us with her versatile fashion














