Ynez Veneracion, gustong magpa-reverse nose job

GMA Logo Geneva Cruz Maui Taylor Angeline Quinto

Photo Inside Page


Photos

Geneva Cruz Maui Taylor Angeline Quinto



“Kahit sa mga camera n'yo na 'yan, pangit ako diyan. Hindi ako love ng camera.”

Ito ang natatawang pahayag ni Ynez Veneracion nang mapag-usapan ang pamba-bash na natatanggap niya dahil sa hitsura ng kanyang mukha.

Ayon sa aktres, alam niya na maraming pumupuna sa kanyang mukha lalo na noong unang labas niya sa katatapos lang na GMA Prime series na Mga Batang Riles.

“Kaya nga kadalasan, kahit sa camera ko, nagpi-filter ako pero light lang. Ayaw ko namang mabura ang mukha ko. Minsan hindi mo na sila makilala, 'Bakit iba na ang mukha?' Mag-filter tayo, pero konting-konti lang,” dagdag pa ni Ynez, na nakausap ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media sa isang pocket presscon sa Delmo's Café, San Juan City, noong Miyerkules, June 18.

Ayon kay Ynez, hindi raw siya nagpapaapekto sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang hitsura.

“Sabi ko nga, bakit masyadong big deal ang pagpapaayos, pagpapaganda? E, kahit naman saan meron na niyan, kahit sino naman ginagawa 'yan. Hindi lang naman ako ang nagparetoke. Ako lang ba ang nagparetoke? Haller? Gusto n'yo ba mag-namedrop ako? Char! Ang dami-dami naman diyan,” sabay tawa ng malakas si Ynez.

Sa kabila naman daw ng mga pamba-bash, nakakakuha pa rin siya ng mga positibong komento, lalo na sa mga taong nakikita niya sa personal.

Ani Ynez, “Kapag nakita n'yo naman ako sa personal, hindi naman ako ganun. Siguro, talagang hindi ako love ng camera.”

Kuwento pa niya, minsang may lumapit sa kanya at nakita ang pagkakaiba ng kanyang hitsura sa TV at sa personal.

Sabi raw sa kanya, “Ay iba pala siya! Alam mo, hindi ka maganda sa TV. Ang liit-liit pala ng mukha mo! Picture tayo, sasabihin ko iba talaga. Iba talaga ang hitsura mo sa TV kaysa sa personal.”

Dugton ni Ynez, “Kaya nga nagtataka ako, lahat ng mga nakakakita sa akin, 'Mukhang Barbie, mukhang manika.' Unless, plastic sila. Ha-ha! Pero mas gusto ko na yun, na hindi ka kagandahan sa TV, pero dyosa sa personal. Mas gusto ko yung sa personal.”

Related gallery: Celebrities who opened up about cosmetic enhancement

Inamin ni Ynez na noong dalaga siya ay madali siyang naudyok na magparetoke.

“Noong 20-year-old ako, talagang pak yung mukha ko. Mukhang matanda, kahit 20, mukhang 30. So, ang daming nagsabi sa akin palagyan ko ng fillers. Hindi naman ako nagpalagay kung kani-kanino lang.

“Na-enjoy ko naman yun ng 20 years. Sa 20 years, walang naging issue--maganda, mukhang Barbie, bumata. Until now, kasi nga we're aging, di ba? As time goes by, lahat naman nagbabago talaga,” pahayag niya.

Bagamat may pagbabago sa kanyang ginawa, wala raw anumang pagsisisi ang aktres.

Katuwiran niya, “Imbes na masaktan ka, gawan mo na lang ng remedyo. Mas maganda yung ganun kaysa iyak-iyak ka diyan, nasasaktan ka. Hindi lang naman po tayo ang naba-bash, marami. So, kung ano yung mali, e, di tama mo na lang. Kung ano ang nakikita nilang pangit sa 'yo, e di, i-try mo na lang kung paano mapaganda.”

Sa kanyang parte, sinubukan daw ni Ynez ang non-surgical procedure na gumagamit ng radio frequency o RF.

“So, nag-RF ako. Yung nakikita ko ngayon, okay naman na siya through RF lang naman. In fairness, sabi ng mga friends ko, 'Okay na, hindi na katulad ng dati.' Siguro yung fillers na nilagay noon talagang nag-sag na. Twenty years na bago mag-sag, so okay na rin. Ngayon, niremedyuhan ko na lang, nawawala na siya.”

Sa ngayon, wala nang naiisip iparetoke si Ynez maliban sa kanyang ilong na pinabago rin niya noon.

Nais daw sana niyang ipa-reverse ang ginawang rhinoplasty dahil, aniya, “Parang hindi ko lang siya nagustuhan. Nagmukha akong witch!

Sabay hirit sa huli na, "O, di ba, huwag n'yo na akong i-bash. Iba-bash ko na ang sarili ko. Ewan ko ba, yung gumawa sa akin, Barbie nose daw. Akala ko ba gagawin mo akong Barbie? Ginawa mo akong witch. Ha-ha!

Samantala, narito ang ilang celebrities na umaming sumailalim sa cosmetic surgery:


Cristalle Belo
Plastic surgery
Angeline Quinto
OPM singer
Gretchen Barretto
Lips
Charice Pempengco
Botox
Jake Zyrus
Jinkee Pacquiao
Pacman's wife
Lani Misalucha
Cosmetic procedure
Maureen Larrazabal
Comedienne
Pops Fernandez
Concert Queen
Phoemela Baranda
Model
Jonalyn Viray
Pinoy Pop Superstar
Lance Raymundo
Gym accident
Aiko Melendez
Princess Snell
Breast augmentation
Maui Taylor
Showbiz Central
Vice Ganda
Procedure
Grace Lee
Arms
Beauty Gonzalez
Beauty 2015
Kitkat
2006  
Paolo Contis
Marlou Arizala
Xander Ford
Rufa Mae Quinto
Implants
Miho Nishida
Self confidence
Korina Sanchez
Thermage
Morissette Amon
Double chin
Bryanboy
Upgrade
Rachel Alejandro
Wedding
Carmi Martin 
V-Lift 
Donita Nose
Donita interview
Christopher de Leon
 Looking young
Ethel Booba
Addicted
Ynez Veneracion
Ynez plastic surgery
Raf Juane
Chie Filomeno
Support
BJ Pascual
Botox treatment
Sharon Cuneta
Sharon botox
Geneva Cruz
Nose job
Janella Salvador

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte