Sa GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, tila may isa na namang sikretong mabubunyag.
Nang matanggap ni Doc RJ (Richard Yap) ang resulta ng siblingship test nina Zoey (Kazel Kinouchi) at Analyn (Jillian Ward), labis siyang napaisip dahil ni isang porsyento ay hindi nag-match ang dalawang doktor.
Dahil dito, kinompronta niya ang kaniyang asawa na si Moira (Pinky Amador) upang tanungin kung anak ba talaga niya si Zoey.
Habang nag-uusap, napansin niyang tila mayroong itinatago sa kaniya si Moira dahil pinipigilan niya ang binabalak ng doktor na magpa-paternity test.