
Tatlong araw na lamang at magaganap na inaabangang event ng taon, kung saan magsasama-sama ang mga nagniningning na Sparkle artists at Kapuso celebrities sa isang gabi ng pasasalamat at kasiyahan. Ito ay ang GMA Gala 2023.
“This year's event is set to exceed all expectations with the biggest and brightest stars in the industry slated to attend.
“Join us on the #GMAGala2023 red carpet by tuning in to Sparkle's official livestream on our social media accounts on July 22 at 5PM,” sulat ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang Instagram post.
Excited na ba kayong makita ang inyong favorite stars at ang kanilang elegant formal attires? Sa katunayan, naghahanda na sila para sa kanilang mga magiging look para sa highly anticipated event.
Bukod sa Sparkle at Kapuso artists, aasahan din ang pagdalo ng iba pang media partners at non-GMA artists sa GMA Gala 2023.
"It might be the event of the year kasi nandiyan, of course, ang ating artists pero invited din ang lahat ng partners natin, those na naka-collaborate natin.
“So pati 'yung mga artists that we worked with na not from GMA will also be there, so we're very excited,” pagbabahagi ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes sa isang panayam.
Tuloy-tuloy din ang paghahanda ng GMA executives mula sa creative execution hanggang sa banquet para sa tinatayang halos isang libong personalidad na dadalo sa nasabing grand event.
Bukod sa pagsasama-sama ng mga nagniningning na mga showbiz personalities kasama ang Kapuso at Sparkle stars, at iba pang media partners, ang GMA Gala 2023 ay magsisilbi ring fundraising event.
Ang malilikom na pondo ay ibabahagi sa GMA Kapuso Foundation at iba pang charitable institutions.
Abangan ang inyong favorite celebrities sa GMA Gala 2023 sa darating na July 22.
SAMANTALA, BALIKAN ANG OLD HOLLYWOOD LOOKS SA GMA THANKSGIVING GALA 2022 DITO.