GMA Logo Pinky Amador and Jillian Ward
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Analyn gets another warning from Moira

By EJ Chua
Published February 10, 2023 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador and Jillian Ward


Moira kay Analyn: “Huwag mo siyang [Doc RJ] kilalaning tatay...”

Sa episode ng GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas kahapon, February 9, muli na namang nagkaharap sina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) at Moira Tanyag (Pinky Amador).

Ngayong alam na ni Analyn na si Doc RJ (Richard Yap) ang tunay niyang ama, tila naintindihan na niya kung bakit lagi siyang ipinagtatanggol ng doktor mula sa mga nang-aapi sa kaniya.

Kaugnay ng pagtatapat ni Doc RJ kay Analyn ay ang isa na namang warning mula kay Moira.

Una munang sinabi ni Moira kay Analyn na hindi siya galit sa mga nangyayari at sa halip ay natutuwa raw siya sa pagtalikod nito kay Doc RJ bilang tunay niyang ama.

Kasunod nito, muli niyang binalaan ang young at genius doctor.

Sabi ni Moira kay Analyn, “Hindi ako galit sa 'yo. For the first time, natutuwa ako sa ginawa mong pagtalikod sa kaniya, wise decision. Huwag mo siyang kilalaning tatay. Hindi naman puwedeng malaman ng buong mundo na may anak sa labas si Robert, lalong-lalo na si Zoey.”

Dagdag pa ni Moira, “But this does not mean na dahil gumawa ka ng tama at sumang-ayon ako sa 'yo na okay tayo. No.

"In fact, for the first time masasabi ko na sa 'yo how much I hate everything about you, na hindi kita mapatalsik kahit gustong-gusto ko dahil pinoprotektahan ka ni Robert.

"But I am warning you, 'wag na 'wag lalaki ang ulo mo at feeling untouchable ka dahil alam mo kung sino 'yung tatay mo. Huwag kang magkakamali dahil ako mismo ang puputol sa sungay mo.”

Sagot ni Analyn sa kaniya, “Naiintindihan ko po kayo Ma'am, wala pong ibang makakaalam.”

Panoorin ang eksenang ito na ipinalabas kahapon:

Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: