GMA Logo Dominic Ochoa and Ariel Villasanta
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Cromwell, ni-realtalk na si Michael!

By EJ Chua
Published January 18, 2023 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Ochoa and Ariel Villasanta


Susundin na kaya ni Michael ang mga love advice sa kaniya ni Cromwell? #AbotKamayNaPangarap

Bukod sa istorya nina ng mag-inang Lyneth at Analyn sa GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, nakatutok din ang mga manonood sa mga eksena tungkol sa love life ni Lyneth (Carmina Villarroel).

Matapos mahuli na nag-uusap muli sina Lyneth at Doc RJ (Richard Yap) sa ospital, uminit na naman ang ulo ni Michael (Dominic Ochoa).

Kahit na walang bahid ng malisya ang pag-uusap nina Lyneth at Doc RJ, pinaghinalaan ni Michael ang kaniyang kasintahan na nagsisinungaling ito sa kaniya para makipagkita sa doktor na ama ni Analyn (Jillian Ward).

Dahil muling nagselos si Michael at hindi na naman nito pinaniwalaan ang kaniyang kasintahan, nagalit si Lyneth at umabot pa sa puntong gusto na niya itong hiwalayan.

Kasunod nito, nagsimula munang umiwas si Lyneth kay Michael.

Dahil napapansin ni Cromwell (Ariel Villasanta) ang asawa ni Josa (Wilma Doesnt) na laging galit at tila maigsi ang pasensya ni Michael sa mga bagay na tungkol kay Lyneth, hindi na siya nagdalawang isip na pumasok na sa eksena.

Bumisita si Cromwell sa shop ni Michael at seryoso niya itong kinausap tungkol sa kaniyang ugali na nagiging dahilan kung bakit nahihirapan si Lyneth na pakisamahan siya.

Isa sa mga mahahalagang payo ni Cromwell kay Michael ay dapat buong puso niyang pagkatiwalaan ang kasintahan niya na si Lyneth.

Samantala, alamin ang iba pang payo ni Cromwell kay Michael sa video na ito:

Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: