GMA Logo Jillian Ward and Dexter Doria
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc Analyn, handang tumulong sa kapwa sa kahit anong sitwasyon

By EJ Chua
Published August 29, 2023 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Dexter Doria


Abangan sa #AbotKamayNaPangarap kung paano susubukang iligtas ni Doc Analyn ang batang si Precious.

Hindi pa tapos ang kalbaryo mula sa nangyaring lindol sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Martes, August 29, muling magsasakripisyo si Doc Analyn (Jillian Ward).

Malalaman ng batang doktor na naiwan sa loob ng hotel ang batang si Precious kaya naman babalikan niya ito.

Kahit alam niyang mayroon nang ginagawa ang rescuers, hindi magdadalawang isip si Doc Analyn na hanapin si Precious sa loob ng hotel kung saan sila na-trap dahil sa 6.5 magnitude na lindol.

Gagawin ni Doc Analyn ang lahat upang subukang iligtas ang bata.

Sa kabila ng nakaambang panganib, tila hindi naman papayag si Doc Lyndon (Ken Chan) na pabayaan na lamang niyang mag-isa si Doc Analyn sa plano nitong pagsagip kay Precious.

Magtagumpay kaya sila?

Kaninong buhay ang maliligtas at kanino ang malalagay sa panganib?

Samantala, ano kaya ang mangyayari kay Tyang Susan?


Mapapahamak ba siya dahil sa labis na pag-aalala kina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn?

Kabilang sa inaabangan din ng mga manonood ay kung paano makakaligtas sina Doc RJ (Richard Yap) at Lyneth.

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: