GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc RJ at Doc Analyn, tutulungan ang isang buntis

By EJ Chua
Published August 16, 2023 11:30 AM PHT
Updated August 16, 2023 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Discussion: Filipino students are ready to lead—but why are they leaving?
Dead dog used to get donations? Advocates sound the alarm
Frozen saging na may iba't ibang flavors, patok na negosyong ngayong tag-init! | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Abangan ang kakaibang father-daughter moments nina Doc RJ at Doc Analyn sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Mas kaabang-abang pa ang mga susunod na tagpo sa patuloy na nagte-trending na GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa previous episodes ng serye, natunghayan na unti-unting nagkakalapit muli ang loob ng mag-ama na sina Doc RJ (Richard Yap) at Doc Analyn (Jillian Ward).

Nagkasama ang mag-ama sa isang medical event at sabay nilang ipinakita sa kanilang mga naging pasyente kung gaano nila kamahal ang kanilang mga trabaho bilang mga doktor.

Magkaiba man sila ng ospital na pinagtatrabahuhan, parehas naman nilang ginagawa ang kanilang mga tungkulin.

Sa bagong episode na mapapanood ngayong Miyerkules, August 16, matutunghayan na bago umuwi ang mag-ama ay mayroon silang makakasalubong na isang buntis.

Komplikado man, tila hindi magdadalawang isip si Doc Analyn na tulungan ang babae sa panganganak nito.

Kasunod nito, aalalayan at tutulungan din siya ni Doc RJ.

Magtagumpay kaya ang mag-ama sa kanilang mga gagawin?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: