GMA Logo Jillian Ward and Richard Yap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc RJ, proud na ipinakilala si Analyn bilang tunay na anak

By EJ Chua
Published February 18, 2023 3:47 PM PHT
Updated February 18, 2023 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rains to prevail on Christmas Day
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Richard Yap


Ano kaya ang naging reaksyon ng mga APEX doctors at nurses sa big announcement ni Doc RJ tungkol kay Analyn? Panoorin DITO: #AbotKamayNaPangarap

Ngayong araw, February 18, natunghayan ang big announcement ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) sa hit GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Matapos ilihim ng matagal na panahon na mayroon siyang isa pang anak bukod kay Zoey (Kazel Kinouchi), sa wakas, nagkaroon na si Doc RJ ng lakas ng loob at pagkakataon upang ipaalam sa lahat ang kaniyang mabigat na sikreto.

Habang nasa isang event, kinuha ni Doc RJ ang sandaling oras upang ipakilala sa lahat ng kasamahan niya sa APEX Medical Hospital ang isa pa niyang anak, si Analyn Santos.

Labis na ikinagulat ng lahat ang sinabi ni Doc RJ at ang ilan ay tila hindi pa makapaniwala sa kanilang narinig mula sa medical director ng ospital.

Bago pa ito, una nang sinabi ni Doc RJ sa kaniyang tatay na si Mang Joselito o Lolo Pepe (Leo Martinez) ang tungkol kay Analyn.

Alam na rin ni Zoey ang tungkol dito ngunit hindi niya pa nakausap ang kaniyang ama na si Doc RJ kaya naman nagulat siya nang marinig ang announcement nito.

Matatandaang nalaman ni Doc RJ na siya ang tunay na am ani Analyn sa pamamagitan ng DNA test na palihim niyang ipinagawa.

Nang malaman niya ang tungkol dito, agad niyang kinumpirma ito sa nanay ng batang doktor na si Lyneth (Carmina Villarroel).

Matapos malaman ang katotohanan ay nagpasya silang ilihim ang tungkol dito upang hindi magkagulo ngunit kalaunan ay inamin na rin ito ni Doc RJ kay Analyn.

Anu-ano kaya ang naging reaksyon ng APEX doctors at nurses na malapit sa young at genius doctor na si Analyn?

Mapapatawad pa kaya ni Zoey ang kaniyang ama sa mga naging kasalanan nito sa kaniyang pamilya?

Panoorin ang eksenang ito:

Embed: *LINK TO FOLLOW PO

(After pa po umere ng episode tomorrow)

Sabay-sabay nating abangan ang iba pang mga pasabog na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: