
Kasunod ng matinding rebelasyon na napanood sa Abot-Kamay Na Pangarap noong Sabado, February 4, natunghayan naman kung paano tinulungan ni Dra. Katie Enriquez (Che Cosio) si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), na mas maintindihan ang mga nangyayari sa kaniyang buhay.
Matapos aminin ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) kay Dra. Analyn na siya ang tunay na ama nito, tila gulong-gulo na ang isip ng pinakabatang doktor sa bansa.
Hindi niya maintindihan kung bakit nasabi sa kaniya ni Doc RJ na siya ang ama nito. Para sa kaniya ay gumagawa lang ng kuwento ang ama ni Dra. Zoey (Kazel Kinouchi) upang pigilan siya sa pag-alis sa ospital.
Hindi makapaniwala si Dra. Analyn sa kaniyang narinig mula sa iniidolo niyang doktor sa APEX Medical Hospital.
Nang makita siya ni Dra. Katie na mag-isa sa ospital, kinausap niya ang young at genius doctor at pinayuhan niya ito tungkol sa kasalukuyang problema na kinakaharap nito.
Payo ni Dra. Katie sa batang doktor, “Analyn, you have to grow up and face uncomfortable truths in your life. At 'yung mga nalalaman mo tungkol sa sarili mo, parte 'yan ng pag-abot sa mga pangarap mo.”
Kapansin-pansin na tila nakatulong ang mga sinabi ni Dra. Katie kay Dra. Analyn.
Kasunod nito, matapang na tinanong ni Dra. Analyn ang kaniyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel) kung totoo ba ang sinabi sa kaniya ni Doc RJ.
Samantala, sasabihin na rin kaya ni Doc RJ kay Dra. Zoey ang tungkol kay Dra. Analyn?
Panoorin ang eksenang ito:
Labis na tinutukan ng mga manonood ang pagtatapat ni Doc RJ kay Dra. Analyn.
Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood mamayang 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: