GMA Logo Kazel Kinouchi and Pinky Amador
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Like mother, like daughter nga ba?

By EJ Chua
Published February 15, 2023 9:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi and Pinky Amador


The wicked mother and daughter are back! #AbotKamayNaPangarap

Sa hit GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, habang lumilipas ang panahon ay tila mas lumalalim pa ang galit ni Zoey (Kazel Kinouchi) kay Analyn (Jillian Ward).

Napapansin ni Zoey na pati ang kaniyang lolo na si Mang Joselito ay nagiging malapit na rin sa batang doktor na si Analyn.

Dahil dito, sinita niya ang kapwa niya doktor at nauwi pa ito sa sabunutan at matinding pagtatalo.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pag-aaway, nabanggit ni Analyn kay Zoey na ayaw niyang patulan ito dahil magkapatid silang dalawa.

Kasunod nito, bigla namang dumating si Doc RJ upang awatin sila at sinabi niya kay Analyn na sana ay siya ang magsabi ng katotohanan kay Zoey.

Hindi inaasahan ni Analyn na imbes na mapatawad siya ni Zoey ay mas titindi pa pala ang galit nito sa kaniya.

Nang magkausap ang mag-inang Zoey at Moira (Pinky Amador), ikinuwento ng una ang sinabi sa kaniya ni Analyn.

Kinontra naman ito ni Moira at sinabing noon pa man ay hindi na dapat nakipagkaibigan si Zoey kay Analyn.

Tila nakuha na rin Zoey ang ugali ng kaniyang cruel mother at bumabalik na ang kaniyang dating ugali.

Matatandaang kamakailan lang ay nabunyag na hindi pala pinapasahod ni Moira ang ilan sa empleyado nila sa APEX Medical Hospital.

Samantala, panoorin ang eksenang ito:

Sabay-sabay nating abangan ang kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SAMANTALA, SILIPIN ANG CATFIGHT SCENES NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: