
Sa pagpapatuloy ng hit afternoon GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap,
kaabang-abang ang ilang rebelasyon at mas matitinding mga eksena na mapapanood sa serye.
Ngayong Lunes, October 24, malalaman na ni Doc RJ (Richard Yap) na anak ni Lyneth (Carmina Villarroel) si Analyn (Jillian Ward).
Dahil sa kagustuhan ni Lyneth na mailayo si Analyn sa kaniyang tunay na ama, pupuntahan niya ito sa APEX Medical Hospital at pipiliting mag-resign sa kaniyang trabaho.
Habang gulong-gulo na ang isip ni Lyneth, labis namang nagtataka si Analyn sa mga hindi pangkaraniwang ikinikilos ng kaniyang ina.
Nang kausap ni Doc RJ si Analyn tungkol sa pag-iiskandalo ng kaniyang ina, mababanggit ng batang doktor na “Sir Chinito” ang tawag ang kaniyang ina na si Lyneth sa kaniyang ama na iniwanan sila noon.
Dahil sa kaniyang maririnig, mukhang hindi mapapakali si Doc RJ at gagawin nito ang lahat upang malaman ang katotohanan tungkol sa ama ni Analyn.
Aaminin na kaya ni Lyneth ang buong katotohanan sa kaniyang anak?
Paano niya kaya malulusutan ang mga paghihinala ni Doc RJ?
Abangan ang mga kasagutan sa on-air at online hit inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood mamayang 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: