GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Mapupuno na si Doc Analyn kay Doc RJ

By EJ Chua
Published July 28, 2023 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire razes houses in Sta. Cruz, Manila
Non-structural fires in Davao City more than doubled in Q1 of 2026
Sean Lucas enjoys Paris adventure

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap


Hindi na mapipigilan ang galit si Doc Analyn sa kanyang tunay ama sa #AbotKamayNaPangarap.

Kabilang sa inaabangan sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap ay ang nakakaantig na kwento ng mag-ama na sina Doc RJ (Richard Yap) at Doc Analyn (Jillian Ward).

Kasalukuyang nahihirapan ang karakter ni Jillian sa serye dahil sa panunuyo at paggawa ng paraan para muling mapalapit kay Doc RJ matapos mawala ang ilang memorya nito.

Sa bagong episode na mapapanood ngayong Biyernes, July 28, tila mapupuno na ang batang doktor sa patuloy na pagtaboy sa kanya ni Doc RJ.

Habang nasa event, kakausapin ni Doc RJ si Doc Analyn dahil pinagbibintangan niya ang huli na nandaya raw ito upang manalo sa isang contest.

Ano kaya ang mga sasabihin ni Doc RJ sa kanyang anak kay Lyneth (Carmina Villarroel)?

Samantala, muling ipagtatanggol ni Doc Carlos si Doc Analyn laban kay Doc RJ.

Kaabang-abang din kung ano ang mga sasabihin ni Doc Analyn sa kanyang tunay na ama.

Ito na ba ang huling pagkikita nina Doc RJ at Doc Analyn?

Tuluyan na bang susuko ang batang doktor sa kanyang ama?

Narito ang ilang pasilip sa pagiging palaban ni Doc Analyn:

Hindi dapat palampasin ang mga mangyayari sa intense na mga eksena nina Jillian at Richard bilang sina Analyn at Doc RJ.

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: