
Kaabang-abang ang mas marami pang pasabog na eksena sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Habang dumadaan ang mga araw, tila nadadagdagan pa ang galit ni Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi) sa batang doktor na si Analyn Santos (Jillian Ward).
Kahit alam na ni Analyn ang katotohanan na si Doc RJ Tanyag (Richard Yap) ang tunay niyang ama, nananatili siyang tahimik sa kaniyang nalalaman.
Ito kasi ang hininging pabor ni Doc RJ kay Analyn upang mas maintindihan ni Zoey ang mga nangyayari.
Kaabang-abang ang mga eksena kung saan mapapanood na mayroong isang bagay na madidiskubre si Zoey.
Ano na naman kaya ang pagtatalunan nina Doc RJ at Moira (Pinky Amador)?
Mukhang hindi na talaga mapipigilan ang mga susunod na rebelasyon na masasaksihan sa serye.
Isa pa sa hindi dapat palampasin ay kung paano malalaman ni Zoey ang katotohanan tungkol sa tunay na relasyon nina Doc RJ at Analyn.
Matatanggap niya kayang mayroong anak sa labas ang kaniyang ama?
Ano kaya ang kaniyang magiging reaksyon kapag nalaman niyang stepsister niya si Analyn?
Samantala, handa na ba si Doc RJ na malaman ni Zoey ang kaniyang sikreto?
Handa na rin ba siyang ipaalam sa lahat na anak niya si Analyn?
Panoorin ang ilang pasilip sa mga hindi dapat palampasin DITO:
Sabay-sabay nating abangan ang mga kasagutan sa sunud-sunod na pasabog na mga eksenang matutunghayan sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ang pinag-uusapang drama series tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SAMANTALA, SILIPIN ANG CATFIGHT SCENES NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: