GMA Logo Pinky Amador, Eunice Lagusad, and Alchris Galura
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Moira, hindi nagpapasahod ng empleyado?

By EJ Chua
Published February 14, 2023 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kilusang Bayan Kontra Kurakot press conference (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador, Eunice Lagusad, and Alchris Galura


Nurse Karen at Nurse Evan, dalawang buwan nang hindi pinapasweldo ni Moira!

Sa gitna ng patindi nang patinding mga rebelasyon sa hit GMA afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, mukhang may sumisibol na panibagong problema.

Habang abala si Moira (Pinky Amador) sa panggugulo sa buhay ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward) mayroon na pala siyang mga bagay na napapabayaan.

Isang araw, habang nagkukwentuhan ang ilang APEX doctors at nurses tungkol sa away nina Analyn Santos (Jillian Ward) at Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), biglang dumating ang admin ng APEX na si Moira (Pinky Amador).

Nang sitahin niya ang mga nagkukwentuhan, naiwan ang nurses na sina Karen Caudal (Eunice Lagusad) at Evan Nicolas (Alchris Galura).

Kasunod nito, kinuha na nila ang chance na makausap si Moira tungkol sa kanilang sweldo bilang nurses.

Binanggit ni nurse Karen kay Moira ang tungkol sa sahod nila pero ang sinagot lang ng huli na busy daw siya.

Agad na umalis si Moira at tila hindi niya pinakinggan ang seryosong tanong ng dalawang nurse.

Labis na napaisip sina Karen at Evan dahil dalawang buwan na raw silang hindi pa nakakatanggap ng sweldo dahil hindi ito inaasikaso ni Moira.

Matatandaang kamakailan lang, nalagay pa sa panganib ang buhay ng mga empleyado sa APEX Medical Hospital dahil sa isang hostage taking.

Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ni Doc RJ na hindi ginagawa ni Moira nang maayos ang kaniyang trabaho sa ospital?

Bakit kaya hindi pinapasweldo ni Moira ang dalawang nurse?

Samantala, panoorin ang eksenang ito:

Sabay-sabay nating subaybayan ang kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG CATFIGHT SCENES NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: