GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap,' nagtala ng pinakamataas ng rating

By EJ Chua
Published August 1, 2023 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Trending na, record-breaking pa sa ratings ang episode ng #AbotKamayNaPangarap tungkol sa sikreto ng isang doktor

Nagtala ng pinakamataas na ratings ang episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas noong Sabado, July 29.

Labis na sinubaybayan ng viewers at netizens ang episode ng serye, kung saan napanood ang ilang intense na mga eksena ni Doc Lyndon, ang karakter ni Ken Chan sa medical drama series.

Pumalo sa 13.9 percent ang naturang episode base sa tala ng NUTAM People Ratings.

Napanood sa serye na nagsimula nang magbago ang ugali ni Doc Lyndon dahil sa kanyang bisyo.

Kasunod nito, napansin na ng mga tao sa kanyang paligid ang kakaiba niyang mga ikinikilos sa loob ng Eastridge Medical Hospital.

Kabilang sa mga nagtaka at nag-alala sa nangyayari kay Doc Lyndon ay ang batang doktor na si Doc Analyn, ang karakter ni Jillian Ward sa programa.

Sa naturang episode natunghayan din na nagkita muli ang mag-tiyahin na sina Madam Giselle (Dina Bonnevie) at Doc Zoey (Kazel Kinouchi).

TINGNAN ANG LOOKS NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP CAST SA GMA GALA 2023 SA GALLERY SA IBABA:

Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Martes, August 1, susubukan pa rin ni Doc Analyn na alamin ang tunay na pinagdadaanan ni Doc Lyndon.

Narito ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood mamaya:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.