GMA Logo Jillian Ward Carmina Villarroel Richard Yap
What's on TV

'Abot Kamay Na Pangarap' scores an 11.1 % TV rating

By EJ Chua
Published November 3, 2022 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Clive Davis, towering music executive who fostered the careers of Bob Dylan, Whitney Houston, dies at 94
Olivia Rodrigo puts together a festival with an all-women lineup
Mister, sumakabilang bahay na, kinakatok pa rin ni misis! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward Carmina Villarroel Richard Yap


'Abot Kamay Na Pangarap,' hindi lang nagte-trending sa social media, namamayagpag pa sa TV ratings!

Inspirational-medical drama series na Abot Kamay Na Pangarap, patuloy na pumapalo sa ratings!

Magmula sa unang TV rating nito na nasa 6 percent, pumalo na 11.1 percent ratings seryeng pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Ayon sa tala ng Nielsen Philippines, ang nakakuha ng 11.1 percent rating ay ang episode na ipinalabas noong October 28, 2022 na pinamagatang 'Bintang.'

Sa nasabing episode, napanood ng mga Kapuso kung paano nagsimula ang hidwaan ng dalawang lalaking umiibig kay Lyneth (Carmina Villarroel).

Sa mismong farewell party para sa pag-alis ni Dra. Analyn (Jillian Ward), muling nagkaharap sina Michael (Dominic Ochoa) at Doc RJ (Richard Yap).

Dahil alam na ni Doc RJ na siya ang tunay na ama ni Analyn, kapansin-pansin na gagawin niya ang lahat upang makabawi sa kaniyang anak.

Bukod sa eksenang ito, napanood din ang panibagong kalokohan na ginawa ni Zoey (Kazel Kinouchi) kay Analyn habang sila ay nasa ospital.

Panoorin ang episode na ito:


Matatandaang ang unang linggo ng Kapuso serye ay nakakuha noon ng ratings na 6.3 percent hanggang 7.1 percent.

Patuloy na subaybayan ang buhay ng pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: