
Kasabay ng patuloy na pagsubaybay ng mga manonood sa GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, patuloy ring kinakikiligan ang tambalang Jillian Ward at Jeff Moses o Analyn at Reagan sa hit inspirational-medical drama series.
Sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Jillian kamakailan lang, masaya niyang sinagot ang tanong kung kumusta sila ni Jeff Moses bilang co-stars sa trending na afternoon drama.
Pagbabahagi ng Sparkle star, “Sobrang magkasundo po kami ni Jeff [Moses], as in super magkasundo po talaga kami. Hindi ko nga po alam baka kapatid ko po 'yun sa ibang planeta. Like, kunwari po kami po sa taping, sabay-sabay po kaming kumakain… nagka-catch up pa rin po kami kahit wala sa taping. Sobrang ka-close ko po si Jeff…”
Kaugnay nito, nag-react din si Jillian tungkol sa patuloy na pagshi-ship ng netizens sa kanila ni Jeff.
Ayon sa kaniya, “Sa pagshi-ship po sa amin, pinag-uusapan po namin 'yun ni Jeff and natutuwa po talaga kami. Kunwari po sa mga eksena, nagtutulungan po talaga kami. Sabi ko po, Jeff kapag sasabihin ko 'yung line na 'yan, tingnan mo ko sa mata, tapos tingnan mo 'ko sa kabilang mata… Nagtutulungan po talaga kami kapag sa eksena.”
Dagdag pa ni Jillian, “Gusto ko pong ka-work si Jeff, sobrang bait po nun ni Jeff. At saka nakakatuwa po 'yun, nag-try ako magdiet tapos siya po 'yung magdadala ng yogurt para sa akin, ganun. Sobrang sweet po talaga ng mga katrabaho ko po.”
Sa naging panayam ng GMANetwork.com kay Jeff noong 2022, ikinuwento niya ang ilang katangian na napansin niya sa kaniyang co-star na si Jillian habang nasa set ng serye.
Saad ni Jeff, “Sobrang gaan po katrabaho ni Ms. Jillian Ward and sobrang generous niya po pagdating sa set. Kahit wala sa kaniya 'yung camera tinutulungan niya ako on set, magto-throw lines pa rin siya and maggi-give ng reaction whenever sa akin nakatutok ang cam. Sobrang laki po ng respeto ko kay Ms. Jillian Ward.”
Ang tambalang Analyn at Reagan ay nakikipagsabayan sa tambalang Lyneth at Doc RJ, na ginagampanan naman nina Carmina Villarroel at Richard Yap sa serye.
Patuloy na subaybayan ang paganda nang pagandang istorya ng hit inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap DITO:
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA ANALYN AT REAGAN SA GALLERY SA IBABA: