
Kasalukuyang napapanood ang comedian-actor na si Pekto sa trending na GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa episode na ipinalabas kahapon, February 9, napanood ang una niyang appearance sa serye bilang si Elmer, ang desperadong ama ng isang batang babae na mayroong sakit.
Nang magtungo silang mag-ama sa APEX Medical Hospital, naramdaman ni Elmer na tila walang pumapansin sa kanila sa loob ng emergency room kahit na hindi na maayos ang kalagayan ng kaniyang anak at hirap na itong huminga.
Kinausap niya ang ilang nurse roon pero ang sagot lamang nila ay napakaraming pasyente sa kanilang ospital kaya hindi pa sila maasikaso.
Nilapitan pa siya ni Moira (Pinky Amador) at sinabihan siyang huwag mag-iskandalo sa kanilang ospital.
Dahil sa matinding galit at sobrang pag-aalala, sinuntok niya ang guwardiya at saka niya kinuha ang baril nito at agad na itinutok sa mga empleyado at mga pasyente na nasa ER.
Gigil na gigil si Elmer sa mga taong naabutan niya roon kabilang na ang mag-inang Moira at Zoey (Kazel Kinouchi).
Nang malaman ito ni Doc RJ (Richard Yap), pinuntahan niya ang lalaki at kinausap niya ito tungkol sa gusto nitong gawin nila sa kaniyang anak.
Samantala, ang nabanggit na mga eksena ni Pekto na ipinalabas kahapon ay labis na hinangaan ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers.
Panoorin ang eksenang ito:
Silipin ang ilan pang matitinding mga eksena na mapapanood ngayong Biyernes:
Ang inspirational-medical drama series kung saan napapanood ngayon si Pekto ay pinagbibidahan ng actresses na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Kung nabitin naman kayo sa inyong napanood na episode sa telebisyon o gusto ninyong balikan ang ilang mga eksena, maaaring i-extend ang inyong pagtutok at panonood.
Bisitahin lamang ang GMANetwork.com at panoorin ang video highlights at full episodes ng programa.
KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: