
Sa latest episode ng GMA afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, nasaksihan ng mga manonood ang isa na namang matinding away nina Analyn Santos (Jillian Ward) at Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi).
Ngayong nalaman na ni Zoey na buhay pa pala ang kaniyang lolo sa side ng kaniyang ama na si Doc RJ (Richard Yap), masaya siyang nadagdagan ang miyembro ng kanilang pamilya.
Matapos patawarin ni Doc RJ ang kaniyang ama, nagpasya siyang ipakilala siya sa kaniyang anak na si Zoey at sa asawa niyang si Moira (Pinky Amador).
Nang mga oras na iyon, masayang-masaya si Zoey sa kasama ang kaniyang mga magulang at lolo na si Mang Joselito na kilala rin bilang si Lolo Pepe (Leo Martinez).
Dahil isa si Dra. Analyn sa mga nag-asikaso at tumulong kay Lolo Pepe habang nasa APEX Medical Hospital ang matandang lalaki, naging close na rin silang dalawa.
Napansin ni Lolo Pepe ang taglay na kabutihan ng genius at young doctor na si Dra. Analyn.
Nang maging maayos ang kaniyang kalagayan, inimbitahan ni Lolo Pepe sina Dra. Analyn at Doc Luke Antonio (Andre Paras) sa isang lunch out.
Dahil dito, lalong nadagdagan ang galit ni Zoey sa batang doktor.
Iniisip niyang lahat na lang ay inaagaw ni Analyn sa kaniya, si Doc Luke, Doc RJ, at ngayon naman ay si Mang Pepe.
Nang magpang-abot ang dalawang doktor, muling sinita ni Zoey si Analyn at saka niya ito sinabunutan.
Panoorin ang eksenang ito:
Forever na kaya ang bardagulan moments ng magkapatid na sina Analyn at Zoey?
Aaminin na kaya ni Analyn kay Zoey na sila ay magkapatid?
Sabay-sabay nating abangan ang kapana-panabik na mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG CATFIGHT SCENES NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: