
Bukod sa patuloy na nagte-trending ang GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, pinag-uusapan din ngayon sa social media ang isa sa lead stars ng serye na si Jillian Ward.
Kamakailan lang, isang larawan ang in-upload ni Jillian sa Facebook na mabilis na nag-viral.
Makikita sa post ang kaniyang stunning mirror selfie na mayroong caption na, “2 hours lang tulog ko #selfie.”
Dahil sa kaniyang selfie at caption, ilang netizens ang hindi napigilang mag-react.
Ayon sa netizen na si Xan, “Noong 2 hours lang tulog ko, para akong tumanda ng isang dekada, unfair.”
"Ba't kasi natutulog ako ng lagpas sa 8 hours [cry emojis],” komento ng netizen na si Madam Aivan.
Ang netizen naman na si Lot Tanz, napa-sana all sa post ni Jillian, “Kahit 10 hours pa tulog ko bakit mukhang puyat pa rin ako. Hustisya Jillian Ward. Sana all na lang…”
Narito ang ilan pang funny at witty comments ng netizens sa stunning selfie ni Jillian:
Samantala, ang naturang larawan ni Jillian ay kinuhanan niya habang siya ay nasa taping ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 243,000 likes, 17,000 shares, at mahigit 8,000 comments ang post ni Jillian.
Patuloy na subaybayan ang teen actress na si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos sa hit GMA series.
Mapapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEACH PHOTOS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: