
Inspired ang aktres na si Adrianna So na lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho dahil marami siyang natatanggap na mensahe ng pasasalamat sa global fandom ng Gameboys, ang boys love (BL) web series na pinagbibidahan niya kasama sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.
Ayon kay Adrianna, may ilang tao na nagpapasalamat dahil sa tulong na ginawa ng Gameboys sa kanilang buhay.
Kuwento niya, “Sobrang sweet. Kasi for example, mayroon isang mommy siya tapos naaaliw daw siya sa Gameboys kasi 'yun 'yung pasttime na lang na nakukuha niya.
“For example, messages like dahil sa Gameboys medyo nawala 'yung depression niya.
“Alam mo 'yung mga ganun? Sobrang sweet kapag nakakatanggap ka ng ganun kaya nakaka-inspire magtrabaho pa nang maayos.”
Kilalanin ang mga bida ng 'Gameboys,' [mula kaliwa], Adrianna So bilang Pearl, Elijah Canlas bilang Cairo, at Kokoy de Santos bilang Gavreel. / Source: gameboystheseries.ph
Bukod sa local audiences, may global fandom na rin ang Gameboys.
Dagdag ni Adrianna, “Minsan nagpapadala sila ng letter sa akin, which is sobrang na-a-appreciate ko.”
“Nagpapasalamat ako sa kanila kasi kung hindi naman dahil sa kanila, wala rin naman kami rito. 'Yun 'yung totoo.
“Masaya sa feeling and nakakatuwa kasi ito 'yung time na lahat tayo nakakaranas ng hirap kahit anong estado pa sa buhay.
“So masayang kahit papaano, may human connection pa rin.”
Mapapanood na ngayong October ang girls love (GL) series na Pearl Next Door sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.
Spin-off ng Gameboys ang Pearl Next Door na pinagbibidahan ni Adrianna, kasama sina Rachel Coates, Iana Bernandez, Philip Hernandez, at Cedrick Juan.
Adrianna So, inaming nahirapan sa 'Gameboys'
Adrianna So, inamin na on- and off-cam ang closeness nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas