GMA Logo agimat ng agila
What's on TV

'Agimat ng Agila' pilot episode, namayagpag sa ratings

By Bianca Geli
Published May 4, 2021 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Endemic na hayop sa Mindanao na tingkolit o 'treeshrew,' nakita sa Mt. Apo
Rising inflation alarms business owners in CDO
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

agimat ng agila


Wagi sa ratings ang pilot episode ng 'Agimat ng Agila' noong May 1! Balikan ang ilang eksena rito.

Panalo sa ratings ang pilot episode ng bagong GMA action-fantasy series na Agimat ng Agila.

Nitong May 1 umere ang unang episode nito tampok ang cast na kinabibilangan nina Ramon “Bong” Revilla Jr. bilang Major Gabriel Labrador, Sanya Lopez bilang Maya Lagman, Elizabeth Oropesa bilang Nanay Berta, Roi Vinzon bilang Alejandro Dominguez, Benjie Paras bilang Sgt. Wesley Dimanahan, Allen Dizon bilang Capt. Gerry Flores, Michelle Dee bilang Serpenta.

Nakakuha ng 16.3% ang pilot episode, ayon sa Nielsen Phils. TAM NUTAM People Ratings.

Bukod dito, umani rin ng papuri mula sa mga manonood ang episode para sa mala-sine nitong kalidad.

Sa pilot episode ng Agimat ng Agila, ipinakilala si Major Gabriel Labrador (Bong Revilla) at ang kanyang Task Force Kalikasan na lumalaban sa mga mapagsamantala sa mga hayop at kalikasan.

Habang may operation ang kanilang team laban sa mga illegal loggers ay nakakita si Gabriel ng sugatan na agila na tinamaan ng bala.

Inuwi niya ito sa para makita ng kanyang asawa na si Myrna (Sheryl Cruz) na isang veterinarian.

Hindi nila namalayan na naglagas ang ilang hibla ng pakpak ng agila na may taglay palang kapangyarihan.

Kilalanin ang cast ng Agimat ng Agila sa gallery na ito:

Tutukan ang nabubuong aksyon at ang mga kuwento ng at pakikipagsapalaran at pagliligtas sa kalikasan sa Agimat ng Agila, ngayong Mayo, tuwing Sabado, 7:15 PM sa GMA!

Balikan ang first episode ng Agimat ng Agila:

Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood ang Agimat ng Agila sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.