
Kahit nasa United States, hindi pa rin nakakalimutan ni Aiai delas Alas ang kanyang fans sa Pilipinas at ngayong 2024 ay looking forward na siya sa bagong projects na gagawin sa GMA.
Sa interview ni Aiai kay Lhar Santiago sa Chika Minute para sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres at comedienne na nararamdaman niyang maganda ang 2024 na Year of the Wood Dragon dahil umano Year of the Wood Dragon din siya ipinanganak.
Ayon kay Aiai, posibleng bumalik na sa ika-anim nitong season ang singing talent search na The Clash sa August. Dagdag pa niya, looking forward na rin siya sa posibleng bagong soap opera na gagawin sa GMA.
Sa US nag-Pasko at Bagong Taon si Aiai at masaya umano ito na kumpleto silang nag-celebrate ng holidays, maliban na lang sa isa sa kaniyang mga anak na si Andrei.
Mensahe niya sa anak, “Andrei, anak, I love you. Next year, promise, kasama ka na namin magpapasko.”
TINGNAN ANG BUHAY NG MGA CELEBRITIES NA INIWAN ANG SHOWBIZ PARA SA BUHAY ABROAD:
May mensahe rin si Aiai sa kapwa Pinoy na nasa Pilipinas at iyon ay ang kaniyang hiling na maging masagana at maging malusog ang bawat isa.
“Lahat po sana tayo ay maging masagana, hindi lang masagana, lahat po sana tayo ay 'wag nang magkasakit, matanggal na ang covid, huminto na siya para lahat tayo maka-angat at mag-move forward tayong lahat sa 2024,” sabi niya.
Naghandog din si Aiai, kasama sina Martin Nievera at ang nurse na rin ngayon na si Carol Banawa ng Christmas Performance para sa mga Pinoy nurses sa US.
Mensahe ni Aiai sa kanila, “Siyempre po dun sa ating mga heroes na mga nurses dito po sa Amerika, Merry Christmas po sa inyo at sana napaligaya po namin kayo.”