
Nagbigay ng paglilinaw si Aiai delas Alas tungkol sa status ng US visa ng kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan matapos ang kanilang paghihiwalay.
Sa isang recent Instagram post ni Aiai, nagkomento ang isang netizen tungkol kay Gerald at sinabing akala nito ay na-deport na ang dating asawa ng aktres.
“Si Gerard pala nasa Amerika pa rin. Akala ko na-deport eh. Nakapag-asawa na ng ibang kaedad niya. Okay lang, mukhang kuntento naman na si Ms. Ai sa buhay niya,” saad ng netizen.
Sinagot ito ni Aiai at sinabi niyang siya mismo ang nagpa-revoke ng visa ni Gerald.
“Ni-revoke ko lang... 'di ko kayang ipa-deport siya, baka magalit si Lord. Siya na bahala kay Gerald. Vengeance is not ours, it's God's. Amen 🙏🏼,” ani Aiai.
Ipinaliwanag din ng aktres na kasabay umano ng kanilang divorce ang revocation ng visa.
“Kasabay kasi ng divorce 'yun, matic the revocation,” dagdag niya.
Matatandaang ikinasal sina Aiai at Gerald noong 2017. Si Aiai ay may green card sa United States. Naghiwalay ang dalawa noong Oktubre 2024.
Samantala, nakisali rin sa palitan ng komento ang kaibigan ni Aiai na si Kakai Bautista. Sinagot nito ang mensahe ng isang netizen na ngayon ay burado na.
“Hindi kailangan ng okasyon para lumabas ang mga katulad kong witch. Hindi kami katulad mong kailangang magtago sa isang image na hindi ikaw para MAKA-KAIN, magkaroon ng TRABAHO at makaSURVIVE sa buhay. 😂
“Ang sumpa ko, PATULOY KANG MAGING MISERABLE kasi DESERVE MO. 🔥🔥🔥🔥🔥”
Naging usap-usapan ang palitan matapos ibahagi ni Aiai ang kanyang pahayag tungkol sa US status ni Gerald at sa kanilang divorce, lalo na't napaulat na ikinasal muli si Gerald sa Amerika.
RELATED GALLERY: Aiai Delas Alas, may mensahe sa pagpapakasal ng ex-husband na si Gerald Sibayan