GMA Logo aiai delas alas
Source: @theclashgma on Instagram)
What's Hot

Aiai Delas Alas, proud na proud sa 'The Clash' graduates

By Nherz Almo
Published January 31, 2024 8:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


Makakasama ni Aiai Delas Alas sa kanyang Valentine shows ang 'The Clash' graduates na sina Jhong Madaliday at John Rex.

Magbabalik-Pinas si Aiai Delas Alas para sa kanyang Valentine shows na pinamagatang “Ai… Luv U” sa February 10, 14, 16, at 17 sa Bacolod, Cebu, Pampanga, at Tagaytay.

Para sa shows niyas a Bacolod at Cebu, makakasama ng seasoned comedienne ang The Clash season one first runner-up na si Jhong Madaliday, habang sa Pampanga at sa Tagaytay naman ay sasamahan siya ni The Clash 2023 grand champion John Rex.

Natutuwa si Aiai dahil ang mga dating jina-judge lamang niyang The Clash contestants ay makakasama na niya sa kanyang shows.

“O, di ba, mga The Clashers,” proud na sinabi ni Aiai sa intimate online interview sa kanya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment writers kanina, January 31.

Patuloy pa niya, “Natutuwa ako kaya kinuha ko silang guest. Si Jhong kasi gustung-gusto siya ng husband ko, pinapanood yung YouTube niya. Sabi ni Gerald [Sibayan], 'Uy, alam ko, dalhin mo yan sa Amerika, sisikat 'yan.' Sabi ko, 'Sige, kapag meron na siyang visa.' Magaling kasi si Jhong, di ba? 'Tapos parang meron siyang YouTube na kinakantahan niya ang yung ibang girls 'tapos amazed na amazed sa kanya. Actually, ako talaga sobrang hangang-hanga ako sa kanya kasi ang galing niyang mag-English, kapag kumakanta siya, parang akala mo teacher. Talented talaga yung bata.”

Tungkol naman kay John Rex, sabi ni Aiai, “Parang fresh ba. Siyempre, fresh sa pagkakapanalo, fresh na The Clasher.”

A post shared by The Clash (@theclashgma)

Katulad kina Jhong at John Rex, proud na proud din ang The Clash judge na si Aiai dahil nakikilala na ang mga nanggaling sa naturang singing talent search show ng GMA Network.

Kabilang na rito sina The Clash grand champions Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Mariane Osabel at ang runners-up na sina Garret Bolden, Thea Astley, Muriell Lomadilla, Jennie Gabriel, Jennifer Maravilla, at Vilmark Viray. Ang mga naturang young singers ay napapanood sa iba't ibang programa ng GMA; nakapag-concert at nakapag-release na rin ng sariling single ang ilang sa kanila.

“Happing-happy ako sa kanila,” sabi ni Aiai.

“At saka, alam mo, parang nag-iiba ang hitsura nila, di ba? Parang kapag nakikita ko sila, 'Si ano na ba 'yan?' Kapag nakikita ko sila ngayon, parang nagkakaroon ng star quality, nag-iiba ang aura, nag-iiba ang hitsura.

“Nakakatuwa, siyempre, kasi dati baby-baby namin sila 'tapos, ngayon, malalaki na sila, may mga wings na sila. Nakakatuwa ang feeling.”

Samantala, excited na rin si Aiai sa pagbabalik ng original singing competition na The Clash ngayong taon.

Paglalahad niya, “Una sa lahat, pinagkakaabalahan ko na ang mga damit ko. Tumitingin-tingin na rin ako ng mga design.

“Pangalawa, gusto kong makita ulit yung kagaya ng The Clash season one--yung mga may characters, mga matatanda na, may sobrang bata. Kasi, dati wala talagang age [limit]. [Nag-iba] lang because of the COVID, bawal lumabas yung mga matatanda. So, ngayon, nilo-look forward ko yun. Nakakatuwa kasi dati mayroon kaming Mommy Tiger na sikat. Yung seasons 3, 4, 5, wala ng mga ganun.”

Para naman sa patuloy na kumukuwestiyon sa pagiging judge niya rito, ito ang masasabi ni Aiai: “Parati nilang tinatanong, bakit nandiyan si Aiai? Parati ko silang sinasagot, PGT [Pilipinas Got Talent] pa lang, [judge] na ako. Kumbaga, hindi pa kayo pinapanganak, judge na ako kaya huwag kayong ano d'yan.”

SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG ILANG MGA MAKUKULAY NA OUTFIT NI AIAI PARA SA THE CLASH: