
Trending na naman si Comedy Queen Aiai Delas Alas matapos ang kanyang K-pop performance sa The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat noong Biyernes, December 25.
As requested, inawit ng The Clash judge ang hit single ng BLACKPINK na "Lovesick Girls" habang nagko-costume change.
May ilan ang na-entertain sa performance ni Aiai, pero marami ang hindi natuwa sa version niya ng "Lovesick Girls" dahil sa baluktot niyang pagbigkas ng wikang Hangul o Korean.
Aiai lovesick girls, can someone get her a water? lmao hahaha#THEALBUM1Billion pic.twitter.com/YM8XFSGBPJ
-- yln.🍀🍀 (@ylo_grc) December 25, 2020
Lovesick Girls by AiAi jusmiyo 🤣 pic.twitter.com/ZAgT0EHSk4
-- LALISA (@ihavechika) December 25, 2020
siguro kung may twitter to si ai ai matagal na tong na-mass report ng blinks pic.twitter.com/mJu68TT56a
-- Just Sagi Things (@scorsaguin) December 25, 2020
Please stop ruining blackpink's songs mas aiai. 🤦♀️
-- blink182-solo (@SoloBlink182) December 25, 2020
Sa Instagram post ni Aiai, dinepensahan niya ang kanyang sarili mula sa mga basher.
Saad niya, "Mga Blinks, pasensya na muntik nang 'di kayanin pero INILABAN KO NAMAN.
"Apat naman sila na nakanta at nagra-rap, mag-isa lang ako gumawa. Tulong naman."
Dugtong niya, "MERRY CHRISTMAS NA LANG MGA KA-BLINKS KO!!!!!! #5thmemberoftheblackpink #lovesickgirlsblackpink #nasickakogirlpasensyana #payting #isalangakounawainnyonaman #mahirap palangkantahinangbpna4sila1langako"
Ang "Lovesick Girls" ang ikatlong BLACKPINK production number ni Aiai sa The Clash matapos ang "Ddu-Du Ddu-Du" at "Ice Cream."
Pinerform din niya ang "How You Like That" sa All-Out Sundays nang magbalik-studio ang programa noong September 27.
Samantala, kung "bias" mo si Aiai, tingnan ang mga nakakatuwang meme ng komedyante bilang fifth member ng all-female K-Pop quartet dito: