GMA Logo Aiko Melendez and Onemig Bondoc
Photo by: aikomelendez IG
What's Hot

Aiko Melendez, handa na bang pakasalan si Onemig Bondoc?

By Kristine Kang
Published February 24, 2026 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder holds off Raptors after Isaiah Joe erupts in third quarter
RTWPB-11 approves P20-P30 wage hike for Davao workers
NAIA announces terminal reassignment for international airlines

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez and Onemig Bondoc


Sumabak sa bukingan challenge sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc!

Tila naupo sa hot seat ang couple na sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc sa kanilang pinakabagong vlog.

Kamakailan, game na sumalang ang dalawa sa nakakatawa at nakakaintrigang challenge na “Sagot o Lagok,” kung saan kailangang sagutin ang kanilang tanong o uminom bilang parusa.

Mas naging mainit ang kanilang palitan dahil ayon kay Aiko, tila “ganti” ito sa ginawa sa kanya ni Onemig noon.

Isa sa mga napag-usapan ang umano'y pagiging babaero ng dating teen heartthrob, na inamin naman ni Onemig.

"Noong time na 'yun, syempre 17 ka noon tapos marami kang nakikilala noon so parang happy-go-lucky, ganyan. Pero now that you're 48 years old, syempre nag-iiba naman e. Tumatanda na rin tayo so…," paliwanag niya.

Dagdag pa ng T.G.I.S. star, malayo na raw siya sa dati at si Aiko na lamang ang babaeng nagbibigay-kulay sa kanyang mundo.

"Para sa akin, parang you complete me nga 'di ba. 'Yun ang sabi ko sa iyo," aniya. "Tumatanda na rin tayo. Syempre gusto ko naman 'yung makasama ko nang habambuhay. Nawa'y ikaw 'yun. We're working on it, right?" sagot niya.

Nagpasalamat din ang dalawa sa patuloy na suporta ng kanilang fans. Ayon kay Onemig, hindi niya inaasahan ang mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang tambalan mula pa nang una siyang mag-guest sa vlog ng aktres.

Lalong uminit naman ang usapan nang mapunta sa selosan ang kanilang mga tanungan. Ngunit mas ikinagulat ng Quezon City councilor ang biglaang tanong ni Onemig.

"Handa ka bang pakasalan mo ako?" ani ng businessman.

Si Aiko, hindi napigilang tumawa at mapasandal sa mesa.

Ngunit ang kanyang sagot ay, "Oo! Handa ako kahit bukas. Kahit saan! O, ano ngayon? Uminom ka ngayon (bilang parusa)!"

Sa huli, hinarap ni Onemig ang kanyang “parusa” habang sila'y nagtatawanan. Nagpatuloy rin ang kanilang maiinit na tanungan na ikinatuwa ng netizens.

Mas naging sweet ang vlog nang magbigay ng mensahe si Onemig para sa aktres.

"Thank you dahil after 29 years, pinagbigyan mo 'yung tayo. Talagang nakita ko naman talaga na we're both working on it na sana maging forever na ito. Minsan nakikita ko naman, I think we're on the right track," pahayag niya.

Pinaalalahanan din niya si Aiko na manatiling matatag sa kabila ng bashings online at ituon na lamang ang pansin sa suportang natatanggap nila.

Tingnan dito ang ilang new celebrity couples noong 2025:

Noong February 14, inamin nina Aiko at Onemig sa isang vlog na sila ay officially in a relationship.

"Sa mga gustong pumapel, sorry guys, may nanalo na. Isang hamak na businessman na nagmamahal nang tapat," ani ng dating matinee idol.

Ayon sa dalawa, una nilang piniling huwag lagyan ng label ang kanilang relasyon dahil pakiramdam nila ay “too old” na sila para sa ganoong usapan.

"The reason why we weren't giving labels yet was because we were trying to catch up with the 29 years that [were] lost," paliwanag ni Aiko.

"Now is the time. Kung ano 'yung pinagsasamahan namin sa everyday lives namin, kung paano 'yung pakikitungo namin sa isa't isa, that says it all."

Masaya rin na ibinahagi ng aktres ang kanilang Valentine's Day celebration sa kanyang social media page.

" To my soulmate, Onemig Bondoc. You are not just the love I asked for, you are the love I didn't even know I needed,” sulat niya.

"Thank you for loving me beyond my flaws, for standing by me when things aren't easy, and for reminding me that real love doesn't rush, it stays. In a world full of noise, you are my peace.

In every lifetime, I would still find my way to you. I choose you today, tomorrow, and always," dagdag niya.

Silipin ang sweet Valentine's Day 2026 celebrations ng ilang celebrity couples, dito: