
Marami ang humanga sa aktres na si Aiko Melendez bagong larawang ibinahagi niya sa Instagram kamakailan.
Sa larawan ng actress-turned-politician, na kuha sa isang resort sa Pangasinan, kapansin-pansin na tila bumata ang hitsura ni Aiko.
Sa caption, sinabi pa ng bagong Quezon City councilor, "Wake up and Smile and say that today is your day."
Marami ang namangha sa younger look ng aktres. Sa katunayan, ilan ang nag-akalang ang nasa larawan ay ang dalagang anak ni Aiko na si Marthena.
Matatandaan na noong nakaraang quarantine na bunsod ng COVID-19 pandemic, sinimulan ni Aiko ang kanyang weightloss journey sa pamamagitan ng calorie counting diet.
Bago ang eleksyon 2022, huling napanood si Aiko sa hit GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas bilang Kendra.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWAN NI AIKO KASAMA ANG KANYANG MINI-ME NA SI MARTHENA SA GALLERY NA ITO: