GMA Logo Aira Bermudez Sugar Mercado
What's on TV

Aira Bermudez at Sugar Mercado, may payo kay Izzy Trazona

By Jimboy Napoles
Published September 18, 2023 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

A month into war, Lebanon's prime minister says no end in sight
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Aira Bermudez Sugar Mercado


Nagbigay ng opinyon sina Aira Bermudez at Sugar Mercado tungkol sa isyu ngayon ng kapwa SexBomb dancer noon na si Izzy Trazona at anak nitong si Andrei.

Game na game na nakipagkuwentuhan sa batikang TV host na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ang dalawa sa dating SexBomb Girls members na sina Aira Bermudez at Sugar Mercado.

Bukod sa kanilang mga kuwento tungkol sa kasalukuyang buhay at career, hiningan din ng opinyon ni Boy sina Aira at Sugar tungkol sa pinag-uusapang isyu ngayon ng kanilang fellow SexBomb dancer noon na si Izzy Trazona-Aragon at anak nitong si Andrei.

KILALANIN SI ANDREI TRAZONA SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na umani ng sari-saring reaksyon sa publiko ang naging post ni Izzy kamakailan kaugnay nang hindi nito pagsuporta sa pagiging drag queen ng anak na si Andrei.

Para kay Aira, naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng kaibigan na si Izzy pero sana aniya ay hindi na pinadaan sa social media ang sitwasyon nila ni Andrei.

Aniya, "Kasi 'yan si Izzy kumare ko 'yan, mahal ko 'yan. Meron siyang pinaninindigan at pinaniniwalaan. 'Yung faith niya kay God, kailangan nating irespeto 'yun at 'yung gustong mangyari ng anak niya kailangan din nating irespeto, 'yun naman ang laging tinuturo sa atin."

Dagdag ni Aira, "Pero sana 'yun lang, pagdating sa problema ng pamilya, 'yung sinasabi natin palagi, when it comes to social media, 'Think hard before you click,' kasi 'yung personal na buhay natin hindi naman nila gustong malaman 'yun. Sana na lang, nag-usap sila, hindi sa social media."

Saad naman ni Sugar, "Ako naman po, ire-relate ko rin po sa pagiging nanay ko kasi kahit sino naman po sa atin, kahit sinong mahal natin sa buhay at lalo na't anak mo, andiyan po 'yung iingatan mo, gusto mong maging maganda 'yung buhay niya.

"Naiintindihan ko rin po si Ate Izzy. Ang pinaglalaban naman po niya dito 'yung Panginoon na, wala nang kahit na sino, kaya hindi ko rin po siya masisisi. Pero agree rin po ako kay Ate Aira na sana nag-usap na lang po sila."

Samantala, si Aira ay may bagong buhay na sa Australia kasama ang kanyang asawa, habang si Sugar naman ay full-time mom sa kanyang dalawang anak.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.