GMA Logo Albert Martinez
What's on TV

Albert Martinez, na-enjoy ang pagganap bilang si Lorenzo sa 'Las Hermanas'

By Aimee Anoc
Published August 31, 2021 2:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Albert Martinez


Gagampanan ni Albert Martinez ang karakter ni Lorenzo Illustre na isang mayaman at gwapong self-made businessman sa 'Las Hermanas.'

Comeback project ng beteranong aktor na si Albert Martinez ang upcoming series ng GMA na Las Hermanas.

Sa panayam kay Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ng 60-year-old Kapuso actor na nae-enjoy niya pa rin ang pag-arte sa iba't ibang proyekto. Gayundin, sobrang na-enjoy ni Albert ang pagganap sa karakter ni Lorenzo Illustre sa Las Hermanas, na isang mayaman at gwapong self-made businessman.

Pero ano kaya ang magiging relasyon ng karakter ni Albert sa tatlong magkakapatid na sina Dorothy, Minnie, at Scarlet, na ginagampanan nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith da Silva sa Las Hermanas?

"'Yung panganay (Dorothy) kulang na lang ipakulong ako," natatawang sabi ni Albert.

"'Yung pangalawa (Minnie) played by Thea gustong laruin 'yung utak ko. Pangatlo (Scarlet) played by Faith, ang gusto n'yang mangyari is to have me for the rest of her life. Pero 'yung karakter niya kasi is pasaway, hindi siya marunong sumunod," pagbabahagi ng aktor.

Inamin din ni Albert na naisipan niya nang magretiro sa pag-aartista noong tumuntong siya sa edad na 50 pero hindi ito natuloy dahil nararamdaman pa rin daw niya ang tinatawag na "joy from acting challenges."

"I was thinking, sabi ko maybe ito na siguro 'yung answer to my question na, 'should I retire?' But out of blessings, talagang I got offers, one after the other. And, I'm so happy with it.

"Now, with the situation na katatapos ko lang magpelikula which is showing soon 'yung The Housemate, then Las Hermanas, and I'm starting again a new project with GMA so I'm excited again. So it's not time to retire yet," kuwento ni Albert.

Samantala, tignan sa gallery sa ibaba ang naging karera ni Albert Martinez sa showbiz: