
Para kay Alden Richards, isang eye-opening experience ang kanyang naging karanasan sa pangunguna sa GMA Public Affairs documentary special na Rebuilding Broken Rooms.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend noong Sabado, August 1, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang pagkadismaya sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas matapos niyang personal na bisitahin ang ilang pampublikong paaralan sa bansa.
"And I saw personally the conditions. Kapag tinatanong ko 'yung mga bata, bakit kapag tinatanong ko 'yung mga guro, normal 'to sa kanila? Makeshift classrooms, dikit-dikit sila, sobrang init," kuwento niya.
Hindi pa rin makapaniwala ang aktor sa realidad ng mga silid-aralang pinapasukan ng maraming estudyante.
"'Yung standard ratio ng 1 is to 35, meaning 1 classroom is to 35 students. Bakit mayroong mga classrooms na 1 is to 145? 1 is to 75? Bakit tayo umaabot sa ganon?" pahayag niya.
Dagdag pa ng aktor, "To think this year, nag-allocate po ang government ng 1 trillion pesos for education last February."
Mapapanood ang Rebuilding Broken Rooms ngayong August 8, 9:30 p.m., sa GMA.
Panoorin ang buong balita dito:
Video courtesy of GMA News (YT)
RELATED GALLERY: Alden Richards's defining moments in showbiz