GMA Logo Alden Richards and Joshua Garcia
Image Source: aldenrichards02 (IG) / garciajoshuae (IG)
What's on TV

Alden Richards, si Joshua Garcia ang pipiliin para gumanap sa kanyang talambuhay

By Marah Ruiz
Published August 1, 2023 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flood control project restitution: Alcantara returns P71M to government
These hotel offerings are perfect for the holidays
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Joshua Garcia


Pipiliin daw ni Alden Richards si Joshua Garcia na gumanap sa kanyang talambuhay kung sakaling muli itong isasadula.

Isang buong buwan na mapapanood ng mga Kapuso si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Ngayong buong buwan ng August, si Alden ang bibida sa apat na bago at magkakaibang episodes na iikot sa inspiring na kuwento ng mga pambihirang tao.

Kabilang diyan ang kuwento ng isang marathon runner na may kapansanan, isang social media influencer, isang gangster, at pati isang taong may mental health issues.

"This is not about me. It's about these people na gusto nating ibahagi 'yung kuwento nila sa mga manonood. This is about their story, not mine," lahad ni Alden.

Minsan na ring naisadula ang buhay ni Alden sa isang episode ng #MPK noong 2013. Umikot ito sa buhay niya bago naging artista.

Kung mabibigyan naman daw ng pagkakataon na isadula muli ang kanyang buhay, nais daw niyang maipakita ang mga magagandang nakamit niya simula noon.

"Ten years ago po pinalabas 'yung lifestory ko. Gusto ko po sanang maging highlight naman kung magkakaroon ng part 2 is, I want the episode to be a feel good episode yet inspirational," bahagi ni Alden.

"Siyempre sa journey naman po ng buhay, hindi naman lahat magiging masarap ang journey. Lagi 'yang yin and yang. In every good, there's always a bad, and in every bad there's always a good. It's a cycle, it's a continuous journey," dagdag pa ng aktor.

Kung siya mismo ang gumanap sa sarili niyang talambuhay noong 2013, ngayon naman daw ay gusto niyang ibang tao naman ang gumanap bilang siya.

"Siguro po mas maa-appreciate ko po kung iba 'yung aarte. Si Joshua Garcia, nasa GMA na. Bakit hindi siya?" ani Alden.

Alden Richards and Joshua Garcia

Image Source: aldenrichards02 (IG) / garciajoshuae (IG)

Samantala, ngayong August 5 na mapapanood ang unang episode ng #MPK month-long special na pagbibidahan ni Alden.

Pinamagatang "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story," gaganap si Alden dito bilang isang marathon runner na magkakaroon ng kundisyong dystonia na sanhi ng involuntary muscle spasms sa kanyang katawan.

Katambal dito ni Alden si Kapuso actress Sanya Lopez, at kasama rin sina Brent Valdez, Gio Alvarez, at Jeffrey Tam.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:

Abangan ang natatanging pagganap ni Alden Richards sa apat na brand new episodes ng #MPK, every Saturday, 8:15 p.m. ngayong buong buwan ng August sa GMA.

Naka-livestream din nang sabay ang bawat episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.